|| Yeri's POV ||
Nandito na ako ngayon sa garden namin, nageemote. Iniisip ko kasi yung nangyari kanina eh, at yung sinabi ni Namjoon oppa sakin.
Ang arte kasi nung babaeng yun, parang sinampal lang nahimatay agad? Tsk. Edi siya na, siya na yung magaling umarte.
Tss, sabagay. Ang arte arte kasi niya, kainis. Atsaka nag aalala ako kay Jungkook oppa kasi alam kong papagalitan sila.
Hindi naman kami pinagalitan nina Manager eh, pinagsabihan lang. Kasi hindi daw namin kasalanan ang nangyaring gulo kanina, kina Jungkook oppa daw.
"Maknae" nagulat naman ako nang biglang tumabi sakin si Joy unnie.
Hindi ako sumagot pero tiningnan ko lang siya, nakayuko ang ulo niya habang pinaglalaruan ang mga kamay niya.
"Sorry sa nangyari kanina ah? Sorry kung nagalit ako sayo, nagselos lang kasi ako eh" sabi niya kaya napangiti nalang ako.
"Okay lang, naiintindihan naman kita eh. Atsaka ikaw naman dumepensa sakin kanina kay Yein yata yun? Basta"
"Ah, yun ba? Nakakainis kasi yung babae na yun eh. Inaangkin niya si Jungkook, bwisit. At yung ilong naman yun, hindi man lang niya sinabi sakin na may fiance na siya. Kainis"
"Pano niya sasabihin sayo kung magka away naman kayo? *chuckles* Pero unnie, alam mo. Sa tingin ko may gusto pa din si Jungkook oppa sayo"
"Err, bat ka naman nakasabi ng ganyan?"
"Hindi naman niya susuntukin si Jin oppa diba? Kaya malamang nagselos yun"
"Pwede din, pero ayoko nang umasa. Masakit kasi yun diba? Yung umaasa ka na mahal ka pa din niya, kaso hindi na pala"
"Hindi halata na humuhugot ka, Pero sabi kasi nila. Walang taong paasa kung walang umaasa diba? Pero sa tingin ko din, syempre walang umaasa kung walang paasa. Tama ba ako unnie?" Tumango naman siya saka niyakap ako.
"Tama ka, kaya bati na tayo ah? *chuckles*" tumango din ako saka niyakap din siya pabalik.
BINABASA MO ANG
Look Into My Eyes 2
FanficPairings: • VRene • SeulHope • WenMin • JoyKook • YeriMon © gracyeol: Thanks for the cover eonnie ツ --- Started: December 8, 2015 Ended: January 8, 2017