|| V's POV ||
Napangisi naman siya ng makita ako kaya lalo akong nainis sa kanya.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Nakangisi niyang tanong sakin.
"Bulag kaba? Malamang, binabantayan ko si Irene. Anong ginagawa mo dito?"
"Bulag ka din ba? Malamang, bibisitahin ko si Irene. Bawal ba?" Nakuyom ko naman yung kamao ko sa inis ko.
"Oo, bawal. Kaya makakaalis kana" napatawa naman siya sa sinabi ko saka tinaasan ako ng kilay.
"Bakit bawal? Sino kaba para paalisin ako dito? Hindi mo naman pag mamay ari itong hospital na ito ah?"
"Ako? Ako lang naman yung boyfriend ni Irene. Kaya may karapatan akong paalisin yung bisita dito kung ayaw ko sa taong yun" mariin na sabi ko kaya lalo siyang ngumisi na nagpainis lalo sakin.
"Talaga? Boyfriend ka ni Irene? Kung boyfriend ka niya, bat tinawag mo siyang malandi kahit hindi naman? Bakit hindi mo siya pinakinggan? Bakit mo siya jinudge agad? Kung ganon kang klase na boyfriend, masasabi kong hindi ka karapatdapat kay Irene"
"At sino sa tingin mo yung karapatdapat, ikaw?!"
"Oo, ako ang karapatdapat kay Irene hindi ikaw! Ako dapat yung minahal ni Irene hindi ikaw! Ako dapat yung naging boyfriend niya ngayon hindi ikaw! At kung ako man ang naging boyfriend niya, papasayahin ko siya. Hindi tulad mo na palagi siyang umiiyak ng dahil sayo! Gago!"
Hindi ko na napigilan yung sarili ko at sinugod ko na yung kamao ko sa mukha niya. Mukhang malakas yung pagkakasuntok ko kasi agad siyang natumba at pumutok yung labi niya.
"Gago ka! Akin lang si Irene!" Sigaw ko at akmang susuntukin ko pa siya ng isa ng biglang may sumigaw.
"Ano ba yan?! Wag nga kayong maingay! Kitang natutulog yung tao tapos nagsisigawan kayo diyan! Wag kayong mag away dito, kainis. Kala niyo namang ang gwapo niyo, supot naman kayo. Tsk" - Irene.
Agad akong lumapit sa tabi niya saka hinawakan yung mukha niya na agad niyang tinampal yung kamay ko.
"Ano ba?! Wag mo akong hahawakan, baka mahawaan ako ng germs mo. Ew"
"Irene? Okay kalang? A-Anong nararamdaman mo?"
"Tinatanong mo kung anong nararamdaman ko? Malamang nandidiri sayo, umalis ka nga sa harapan ko. Kainis ka" irap niya sakin atsaka napatingin siya kay Mark nang magsalita ito sa kabilang gilid niya.
"Irene? Kumusta na yung nararamdaman mo? Wala bang masakit sayo?" Tanong ni Mark atsaka hinawakan sa kamay si Irene.
Bumalik nanaman yung inis ko sa kanya nang dahil sa ginawa niya. Nobody touches whats mine.
"A-Ah? S-Sino k-kaba?" Nauutal na tanong ni Irene sa kanya.
Kumunot yung noo ko nang mapagtantong hindi siya nagalit nang hinawakan ni Mark yung kamay niya, pero kapag ako, umiinit yung ulo niya at palagi akong tinutulak palayo.
"Hindi mo ba ako matandaan? Ako si Mark" umiling naman si Irene nang dahan dahan habang naka tingin pa din kay Mark.
Wtf? Tumikhim ako kaya napatingin silang dalawa sakin.
Inirapan ako ni Irene atsaka tumingin uli kay Mark, habang yung unggoy nakangisi sakin ng nakakaloko.
*****
|| Irene's POV ||
OMG. Oh My Gosh. Sht. Sht. Sht.
Nagmumukha akong teenager dahil sa kinikilig ako sa lalaking nasa harapan ko.
Napakagwapo kasi niya, at take note. Nakahawak pa siya sa makinis na kamay ko.
Narinig ko namang tumikhim yung isang monggoloid kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya samin ng matalim pero inirapan ko lang siya at tumingin uli sa lalaking mala mukhang adonis yung mukha.
Sht. Ang gwapo niya talaga. Lalo na ngayon na ngumingisi siya. Gosh.
I think may gusto na ako sa lalaking ito, at hindi dun sa lalaking monggoloid na mukhang unggoy na alien na may mga germs sa katawan na nakakadiri. Ew.
***
Ano? Nagka amnesia ka?" Tanong ni Mark sakin kaya tumango ako at ngumiti sa kanya.
"Yun ang sabi ng doctor eh, atsaka baka daw matagal pa ako makaalala"
"Kaya pala hindi mo ako natatandaan" malungkot na sabi niya kaya hinawakan ko yung kamay niya na ikinagulat niya.
"Wag kang mag alala, makakaalala din ako. Kaya pwede bang tulungan mo akong makaalala?" Nakangiti kong saad habang nakahawak padin sa kamay niya. Hinawakan din niya yung kamay mo saka ngumiti.
"Oo naman, basta para sayo tutulungan kita" bigla namang uminit yung pisngi ko kaya tumawa siya.
"Your blushing" natatawa niyang saad kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Mukha mo, hindi kaya!" Inis na sabi ko saka pinalo siya sa braso niya.
Nagkukulitan pa kami dito ni Mark nang biglang magdabog si V atsaka lumabas sa kwarto ko.
Kumunot naman yung noo ko sa ginawa niya. Anong nangyari dun?
Magtatanong sana ako kay Mark kung bat nag walkout yung alien na yun nang makita kong nakangiti siya ng malademonyo habang nakatingin sa pintuan na linabasan ni V.
Hindi ko alam pero parang kinilabutan ako dun.
*****
|| V's POV ||
Langya. Bwisit. Ito na ba yung mga karma ko dahil sa sinaktan ko si Irene? Na magkameron siya ng amnesia? Na nakalimutan niya ako? At magkagusto siya kay Mark? Yun na ba yun?
Hindi naman ako sigurado kung may gusto na si Irene kay Mark, pero yung nakikita ko kanina na naglalandian sila, parang may gusto na nga.
Puting ina.
Lumabas ako sa hospital at sumakay sa sasakyan na hiniram ko kay Manager kanina.
Sinuntok ko yung manubela saka pinatong yung ulo ko dun. Tumulo yung luha ko sa kaliwang pisngi kaya marahas na pinunasan ko iyon.
Fck.
*****

BINABASA MO ANG
Look Into My Eyes 2
FanfictionPairings: • VRene • SeulHope • WenMin • JoyKook • YeriMon © gracyeol: Thanks for the cover eonnie ツ --- Started: December 8, 2015 Ended: January 8, 2017