♡ Chapter 36 ♡

273 22 2
                                    

|| Irene's POV ||

Sht Sht Sht.

Sabi ko na nga ba eh, sila yung makakasasabay namin sa pag photoshoot. Talaga bang pinaglalaruan kami ng tadhana ah? Sa dinami daming tao, bat sila pa?

Nung nagsimula kasi kami sa pagm-modelo sa Korea, napagpasyahan din nila Mark na magm-modelo din daw sila. Gaya gaya sila noh? Tsk.

Sumama kasi sila samin nung umalis kami dito at pumunta sa Korea, nandun daw kasi yung kapatid niyang si Eunji.

Syempre nagulat ako, kasi hindi ko namang alam na nandun yung bruha eh. Pero hindi naman kami nagkita dun, at minsan lang kami magkausap oh magkita ni Mark.

Hindi ko alam kung anong ginagawa niya kasi palagi siyang busy eh. Kapag inaaya siya nina Wendy na mamasyal, tumatanggi sila. Yung dahilan nila palagi, ay busy daw sila.

Sus, if I know busy sila sa mga babae. Tsk. At isa pa, nung medyo matagal tagal na kami sa pag modelo, nalaman na rin naming lima na nagm-modelo din sina Eunji atsaka yung mga kaibigan niyang bruha.

Yung pinagtataka ko lang, bat bumalik na dito sa Pilipinas sina Mark at yung kapatid niyang si Eunji? Ang alam ko, maayos naman buhay nila dun kahit mas sikat kami kesa sa kanila sa pag modelo.

"Nga pala, kung nakikita niyo, may apat na kwarto dun" sabi ng isang lalaki, kung hindi ako nagkakamali, siya yung manager ng GOT7. Grupo nila Mark.

Tinuro niya yung may apat na pintuan sa gilid na may mga pangalan na nakasulat sa pinto. Malaki naman dito kaya hindi na ako magtataka na kumasya yung apat na kwarto dito.

"Dressing room niyo yun, may nakasulat naman dun ng mga grupo niyo sa pinto para hindi na kayo malito. Baka kasi mamaya, pumasok yung isang lalake diyan sa dressing room ng babae, tapos baka paglabas nila, magiging tatlo na sila. Delikado yun, tsk" patuloy niyang sabi kaya napatawa nalang kami.

"Oo nga, kaya kayo" sabi ni MB sabay turo kina V at Mark.

"Wag kayong magkakamali na buntisin sila, dahil kapag malaman ko na mabuntis sila, at isa sa inyo yung ama, lagot kayo sakin niyan" simpleng napatingin naman ako kay Wendy at Jimin pagkatapos sabihin iyon ni MB.

Napayuko si Wendy habang si Jimin napalunok ng sarili niyang laway, yucks -_-.

"Opo Manager" sabay na sabi nina V pero napatango lang sina Mark.

"Kung nagkakaintindihan na tayo, pumunta na kayo sa dressing room niyo para makapagayos na kayo" sabi ni MR kaya napatango nalang kami at pumunta sa sari- sarili naming dressing room.

Pero bago pa ako makapasok ng tuluyan, nakita kong tumingin sakin si Eunji saka ngumisi ng nakakaloko.

Kumunot yung noo ko at tinaasan ko siya ng kilay, pero hindi niya ako pinansin at pumasok na siya sa dressing room nila.

Look Into My Eyes 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon