|| Irene's POV ||
"Mark? Anong ginagawa mo dito?"
"Bakit? Bawal na bang pumunta ng isang pogi dito?" ngisi niya sakin atsaka umupo sa tabi ko, inirapan ko lang siya tsaka pinunasan yung luha ko.
"Seryoso nga kasi, bat ka nandito?" tanong ko ulit, tiningnan niya ako saglit tsaka nagkibit balikat.
"Ikaw, ano sa tingin mo? Anong ginagawa ko dito?" simpleng sabi niya kaya kumunot yung noo ko.
"Baliw kaba? Syempre hindi ko alam, kaya ko nga tinatanong sayo eh" inirapan naman niya ako saka kinamot yung ulo niya. May kuto yata siya, nahihiya pa siyang sabihin sakin.
"Hindi ba obvious? Syempre sinundan kita, kaya nandito ako ngayon, tsk"
"Ano? Sinundan mo ako?" Kumunot yung noo niya sa sinabi ko.
"Aissh, paulit ulit? Oo nga kasi"
"Huh? Bakit?"
"Ano?!" inis niya akong hinarap kaya tinasan ko siya ng kilay.
"Bakit mo ako sinundan?" Hindi siya sumagot at umiwas lang ng tingin sakin atsaka sumandal na din sa puno.
"Uy, bakit nga kasi? Bakit mo ako sinundan?" ulit kong tanong sa kanya, hindi ulit niya ako sinagot at pumikit lang siya. Aba, wag niyong sasabihin sakin na tutulugan lang ako nitong lalaki na toh?!
"Mark, bakit nga kasi" sabi ko habang yinuyugyog siya para magising, at mukhang epektib naman kasi minulat niya yung mata niya atsaka tumingin sakin ng masama. Tinaasan ko lang uli siya ng kilay saka tinanong ulit.
"Bakit nga?" Ginulo niya yung buhok niya atsaka huminga ng malalim.
"Nakita kasi kitang umiiyak kanina, kaya nag alala ako sayo. Lalo na nung umalis ka sa building, knowing na medyo marami rami na yung tao ngayon kasi umaga na. Nag alala lang ako sayo kasi baka makilala ka nila at paguluhan, wala ka pa namag sout na disguise"
"Tapos sinundan mo ako dito na wala ka ding sout na disguise?! Pano kung nakilala ka ng mga tao?! Tapos sundan ka nila?! Tapos makikita ka nilang pinuntahan mo ako dito?! Tapos kukunan nila tayo ng picture?! Tapos magiging news yun?! At yung news, sinasabing nagd-date tayo ng patago?! Tapos makikita yun nila Manager?! Makikita din ni V at magagalit nanaman yun sakin?! Atsaka makikita din nila Seulgi at sasabihan nanaman akong malandi?! Tapos iiyak nanaman ako?! Tapo--"
"Tapos kung hindi kana tumigil sa pagsasalita diyan, hahalikan kita" putol niya sa sinabi ko kaya napatahimik agad ako. Ayokong magpahalik sa kanya noh, duh?! Kay V lang ako magpapahalik -__-.
"Sina Seulgi ba yung dahilan kaya ka umiyak? Kasi tinawagan ka nilang isang malandi?" seryosong tanong niya, umiwas lang ako ng tingin sakanya atsaka tumango.
"Ano?! Bakit?! Akala ko ba, kaibigan mo sila?"
"Akala ko nga din eh" malungkot na sabi ko, nakita ko namang sa gilid ng mata ko na nakatingin sakin si Mark.
"What? Ano? Teka, hindi ko maintindihan. Bat kaba nila tinawag na malandi?"
"Kasi nakita nila tayong naguusap kanina, tapos nakita pa nilang inakbayan mo ako"
"What? Yun lang?" takang tanong niya, tumango naman ako at nakita kong kumunot yung noo niya.
"The fck, nagbibiro kaba?" sinamaan ko naman siya ng tingin kaya tinaas niya agad yung dalawang kamay niya na parang suko na siya.
"Mukha ba akong nagbibiro? Hindi naman diba? Tsk"
"Edi hindi, tsk. Its just, parang ang babaw naman ng rason nila para tawagan ka ng malandi"
"Huh? Bakit? Totoo naman kasi eh, malandi ako. Kami na ni V pero nakikipag usap pa ako sa ibang lalaki" malungkot na sabi ko, nakita ko ulit na nanlaki yung mga mata niya sa sinabi ko.
"K-Kayo na ni V?" tanong niya kaya tumango ako ng hindi nakatingin sa kanya, hindi ko alam kung imagination ko lang ba yun oh ano, pero nakita ko sa gilid ng mata ko na lumungkot siya. Imagination ko lang ata yun.
Hindi naman siya nagsalita pagkatapos nun kaya hindi na din ako nagsalita, siguro mga ilang minuto ang lumipas bago ko siyang narinig na huminga ng malalim atsaka nagsalita.
"Di porket na kayo ni V, bawal ka nang makipagusap sa ibang lalaki. And the heck, naguusap lang naman tayo eh, hindi naghahalikan. Atsaka ako yung umakbay sayo, hindi ikaw. Diba tinanggal mo agad yun kasi nagalit ka sakin dahil sinasabihan kong lalaki yung photographer natin? Kaya hindi ko maintindihan yang mga kaibigan mo kung bat ka nila sinabihan ng malandi, kung tunay mo silang kaibigan, hindi ka nila agad sasabihan ng ganun" seryosong sabi niya kaya umiling nalang ako.
"Hayaan mo nalang sila, kung yun yung tingin nila sakin, edi wala na akong magagawa nun" tiningnan naman niya akong parang nandidiri siya sa sinabi ko. Mukha siyang bakla, tbh.
"Mga kaibigan mo ba talaga sila? Kasi kung oo, hindi ka nila agad ij-judge diba?" nagkibit balikat lang ako sa sinabi niya atsaka tumayo na, pinagpag ko pa yung pwet ko kasi baka madumi.
"Hayaan mo nalang sila, kahit tinawagan nila ako ng ganun, kaibigan ko pa din sila" nakangiti kong sabi at tinulungan ko siyang tumayo.
"Tsk, bat ba ang bait bait mo padin? Hindi ba pwedeng, kahit isang araw lang, maging masama ka naman?" iling na sabi niya kaya napairap nalang ako.
"Ewan ko sayo, pero wag kang magalala. Magiging masama din ako someday" sabi ko at nakita ko siyang kumunot uli yung noo niya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya, ngumiti lang ako sa kanya atsaka nagsimula na sa paglakad, pero agad akong napatigil ng makita kong may isang lalaki na nakatayo sa hindi kalayo kung san kami nakatayo ngayon.
"Bakit? May problema ba?" rinig kong tanong ni Mark pero hindi ko siya pinansin dahil nakatingin pa din ako dun sa lalaki na nakatayo habang nakahalukipkip at masama yung tingin sakin, samin. Wala siyang sout na disguise kaya nakilala ko agad siya.
"V" mahinang sabi ko habang nakatingin pa din sa kanya, anong ginagawa niya dito? Kanina pa ba siya?
*****
BINABASA MO ANG
Look Into My Eyes 2
FanfictionPairings: • VRene • SeulHope • WenMin • JoyKook • YeriMon © gracyeol: Thanks for the cover eonnie ツ --- Started: December 8, 2015 Ended: January 8, 2017