|| Joy's POV ||
"Joy, gusto kang makausap ni Yein" sabi ni Jungkook sakin.
"What? Bakit?"
"Ewan, basta gusto ka niyang makausap" kibit balikat niyang sabi sakin.
"Pano ka naman nakasabi niyan? Sinabihan ka ba niya?" kunot noo kong tanong sa kanya.
"Hm, nagtxt siya sakin. Sinabi niyang gusto ka daw niyang makausap" sabi niya saka inakbayan ako, tinaasan ko naman siya ng kilay saka humalukipkip.
"Nagtxt siya sayo? Dont tell me, palagi kayong nagt-txt?" Tanong ko kaya nanlaki yung mga mata niya.
"Ano? Hindi ah! Hindi kami palagi nagkakatxt"
"Talaga? Kung ganun, bat siya nagtxt sayo?" Nanliit yung mga mata ko habang tinitingnan ko siya.
"Isang mensahe lang naman yun, Joy. Hindi naman talaga kami nag t-txt na, simula nung naging tayo na uli"
"So meaning, nung hindi pa tayo, palagi kayong nagt-txt sa isat isa?" Nagkibit balikat naman siya at pinahiga niya yung ulo niya sa balikat ko.
"Hindi naman, siya yung palaging nagt-txt sakin, minsan lang ako nagr-reply kapag kailangan" sabi niya saka niyakap ako.
"Siguraduhin mo lang, tsk" irap ko, huminga naman siya ng malalim saka kinuha yung phone niya sa mesa at binigay iyon sakin.
"Anong gagawin ko diyan?" Takang tanong ko sa kanya, tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Tingnan mo yung mga messages ko diyan, para namang maniwala ka sakin" sabi niya kaya napairap nalang ako.
Kinuha ko yung phone niya saka binuksan ko iyon, wala namang password yung phone niya. Napangiti naman ako ng palihim ng makita kong ako pa din yung wallpaper niya.
Binuksan ko yung mga messages niya, nakita kong madaming nagt-txt sa kanya ng mga unknown numbers pero kahit isa man lang sa kanila, hindi siya nag reply.
Nakita ko agad yung message ni Yein kaya agad ko iyon pinindot, totoo nga yung sinabi niya. Si Yein yung palaging nagt-txt sa kanya, at minsan lang siya nagr-reply kapag kailangan.
Huminga naman ako ng malalim saka binigay ko yung phone niya pabalik, tinaasan naman niya ako ng kilay saka ngumiti ng nakakaloko.
"Oh, naniniwala kana?" Tanong niya kaya napairap nalang ako, tumawa naman siya at kinuha yung phone niya sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Look Into My Eyes 2
FanficPairings: • VRene • SeulHope • WenMin • JoyKook • YeriMon © gracyeol: Thanks for the cover eonnie ツ --- Started: December 8, 2015 Ended: January 8, 2017