♡ Chapter 24 ♡

360 23 2
                                    

|| Jungkook's POV ||

"Oh, oppa. Anong nangyari sainyo ni Joy unnie? Bat yun umiiyak?" Nagulat naman ako ng tinanong sakin yun ni Yeri.

Umiiyak? Eh hindi naman yun umiyak kanina eh, atsaka may nasabi ba akong masama para umiyak siya?

"Ano? Umiiyak siya?" Tanong ko din sa kanya, tumango naman siya.

"Oo, umiiyak siya kanina habang tumatakbo patungo samin. Tapos nung tinanong namin kung bat siya umiiyak, iling lang yung sinagot niya. Ano bang nangyari oppa?"

Huminga naman ako ng malalim saka umiling, umupo din ako sa hagdan kung san siya naka upo saka pumikit. Hindi kami magkatabi, kahit gusto kong tumabi sa kanya.

Baka kasi makita kami ni RapMon hyung tapos magagalit nanaman yun sakin, hindi ko talaga siya maintindihan kung sino talaga yung gusto niya.

Medyo naging magaan na yung loob ko nang masabi ko kay Joy na mahal ko pa din siya, kahit hindi na niya ako mahal, gagawin ko ang lahat para mahalin ulit niya ako.

Pero ano nga ba ang nagawa ko at bakit siya umiyak? Umiyak ba siya nang malaman niyang, mahal ko pa din siya? Tears of Joy ba yun?

Habang nag iisip ako, naramdaman kong parang may nakatingin sakin. Binuksan ko ng kunti yung mata ko at nakita ko si Yeri na lutang nakatitig sakin.

"Alam kong gwapo ako, pero wag mo naman akong titigan nang matagal, kasi baka malusaw ako niyan eh" sabi ko sabay ngisi sa kanya, kahit nakapikit pa din ako, naramdaman kong inirapan niya ako.

"Whatever oppa" mataray na sabi niya kaya napatawa ako ng mahina saka napatingin sa kanya.

"Ano bang iniisip mo habang naka tingin ka sakin? Kinikilabutan kasi ako sayo eh"

"Wala, iniisip ko lang kung bat ang laki laki ng ilong mo? Sa pagkaka tanda ko, ayaw ni Joy unnie yung mga lalaking malalaki ang ilong eh" Ano bang problema nila sa ilong ko?

"Grabe ha, atsaka okay lang. Mahal naman niya ako eh" kibit balikat na sabi ko sa kanya, mahal ka pa din ba niya, Jungkook?

"But speaking of Joy unnie, hindi mo ba siya susundin dun sa room niyo?"

"Mamaya na, sigurado kasi akong nakalock yung pinto eh. At kapag kumatok ako, sisigawan lang ako nun" tumango naman siya.

Magsasalita na sana ako nang makita ko namang papalapit sina RapMon hyung samin habang magkahawak kamay sila ni Baby Soul noona.

Napatingin ako kay Yeri at nakita ko siyang nakatingin sakin, kaya kumunot yung noo ko.

"Bakit oppa? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong niya, hindi ako sumagot at lumapit sa kanya.

"A-Ah, oppa? A-Anong ginagawa mo?" Inilapit ko yung mukha ko sa kanya, kailangan kong gawin toh.

Napapikit naman siya ng mas linapit ko pa yung mukha ko sa kanya, hindi ko naman siya hahalikan eh. Gusto ko lang iparealize kay RapMon hyung kung sino talaga yung gusto niya, para namang hindi na ako mag iisip kung sino talaga.

"Gago ka ah?!" Hindi na ako nagulat nang bigla nalang hinila ako ni RapMon hyung saka sinuntok.

Napahawak naman ako sa labi kong may dugo na, tumingin ako kay hyung saka ngumisi.

"Jungkook oppa!" Rinig kong tawag ni Yeri sa likuran ko at tinulungan niya akong tumayo.

Nakita ko naman na kinuyom ni hyung yung mga palad niya at akmang susugod ulit siya sakin nang humarang si Yeri sa kanya.

"Ano bang problema mo?! Bat mo sinuntok si Jungkook oppa?!"

"Hahalikan ka kasi niya eh!" Inis na sabi ni hyung saka tinuro ako. Nakita ko din na rumeact si Yein sa ligid.

"What? Oppa? Hahalikan mo yang babaeng yan?!" Sabi ni Yein habang masamang nakatingin kay Yeri.

"Ano bang pake mo, Yein? Pwede kong halikan kung sino ang gusto ko" irap ko sa kanya.

"Pero, fiance mo ako!"

"Oo ngang fiance kita, pero hindi kita mahal" bored na sabi ko saka umupo uli sa hagdan.

"What?! You dont love me?! Pero, ano yung pinapakita mo sakin noon?"

"Ginagawa ko lang yun para sa mga magulang ko, kaya wag kang mag assume na minahal kita" Nagulat naman siya sa sinabi ko, alam kong masama yung ginawa ko pero pagod na ako mag panggap.

"So all this time, minumukha mo lang akong tanga?! I hate you!" Lumapit siya sakin para sampalin ako at tumakbong paalis sa bahay, sumunod naman sa kanya sina Sujeong noona.

*****

Look Into My Eyes 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon