A/N: Epiloooogue naaaa, hehe. Sorry kung natagalan bago matapos to, haha. At naiba na din yung ending niya kasi nakalimutan ko yung totoong plot nito eh. Pero dont worry, sigurado akong mas maganda yung ending nito kesa sa totoong plot ko noon, haha.
#WalangForever
*****
|| Irene's POV ||
Pabalik balik kong tinitingnan yung phone ko habang papunta kami sa BigHit Entertainment Building.
Hindi ko alam kung anong nangyayari pero parang kinakabahan ako, lalo nang nakita kong malapit na kami.
"Ano ba kasing nangyari Wendy?" Tanong ni Manager samin.
Siya kasi nagdrive samin papunta sa kung nasan sina V ngayon. Hindi naman sumagot si Wendy sa kanya, kasi tulad ko, panay din ang tingin sa phone niya.
Nang makarating na kami, napakunot yung noo ko nang makita madaming tao sa labas ng building ng BigHit.
May mga itim na sasakyan sa harapan ng building, at nasa kabila naman yung mga pulis na nagtatago sa sasakyan nila.
At sa likod naman ng mga pulis ay ang mga taong nagtutulakan para lang makanoud kung anong nangyayari.
Wtf? Anong nangyayari?
Mabilis kaming lumabas at lumapit sa mga taong nagtutulakan.
"Excuse me" sabi ko sabay singit dun sa mga madaming tao. Nakasunod naman sila Wendy sakin.
Nang makarating na kami sa harapan, nakita kong may mga hawak na baril yung mga pulis habang nakatutok ito sa pintuan ng building.
Pupunta na sana ako dun sa kanila para magtanong kung anong nangyayari at kung nasan sina V pero nagulat nalang ako ng bilang sumabog yung Building kaya lahat kami ay nadapa sa sahig.
Malakas yung pagkakasabog sa building kaya agad akong napabangon at tiningnan yung BigHit building.
Napatakip naman ako sa bibig ko at agad na bumuhos yung luha ko.
Hindi. Hindi. Hindi.
Umiling naman ako at tumakbo papunta dun pero agad akong pinigilan ng pulis.
"Teka, miss. Bawal po kayo dun, delikado" sabi niya sakin pero umiling lang ako.
Wala akong pake alam kung delikado. Bastat kailangan kong pumunta dun. Nandun si V sa loob. Nandun yung mahal ko sa loob.
"B-Bitawan niyo po a-ako *sob*"
"Hindi po talag--"
Hindi niya natapos yung sasabihin niya kasi agad ko siyang sinuntok kaya agad siyang napahiga sa sahig.
"SINABING BITAWAN MO AKO KASI PAPASOK AKO DUN EH! ALIN DUN ANG HINDI MO MAINTINDIHAN?!" Naiinis na sigaw ko sa pulis na ngayon ay nakahawak sa labi niya.
May bigla namang humawak sa braso ko at nakita kong si Mark iyon.
Agad niya akong niyakap at pinatahan.
"Shh, tahan na Irene. Tanggapin mo nang wala na si V"
bulong niya sa tenga ko kaya mas lalo along napaiyak.
Hindi pwede. Hindi maari. Hindi ko kaya.
Please, sana panaginip nalang to.
Please
END
*****
A/N: Tadaa, tapos na. Hahaha. Maganda diba yung ending? hahahah. Kkk.
#WalangForever
BINABASA MO ANG
Look Into My Eyes 2
FanficPairings: • VRene • SeulHope • WenMin • JoyKook • YeriMon © gracyeol: Thanks for the cover eonnie ツ --- Started: December 8, 2015 Ended: January 8, 2017