♡ Chapter 17 ♡

383 26 4
                                    

|| Irene's POV ||

*KNOCK KNOCK*

"Noona! Hyung! Gumising na kayo diyan!"

*KNOCK KNOCK*

Napamulat naman ako dahil kanina pang may kumakatok sa pinto namin, napatingin ako sa katabi ko at nanlaki ang mga mata ko kasi hindi ko namalayan na nakahiga pala ako sa mga braso ni V.

"Morning" ngisi niya sakin.

"Morning, tsk" irap ko sa kanya, kaso nakita ko pa ding ngumingisi siya.

Hindi ko nalang siya pinansin atsaka kinuha ko yung towel ko at dumeritso sa banyo para maligo.

"San ka pupunta?" Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko siyang nakaupo sa kama habang nakatingin sakin.

Ngayon ko lang napansin na naka topless pala siya at boxer lang ang sout niya, habang ako naman ay naka sando lang atsaka short shorts.

Mas komportable kasi ako sa ganun, siguro ganun din sa kanya. Mas komportable lang siya na magboxer habang matutulog na.

Napalunok nalang ako saka umiwas ng tingin sa kanya, naiinitan na kasi ako eh. At hindi ko alam kung bakit.

"Sa banyo, maliligo na ako" akmang papasok na ako sa loob ng banyo nang magsalita siya.

"Maliligo kana? Sabay nalang tayo" ngisi ulit niya sakin saka kinuha yung towel niya.

"Che!" Mabilis na sabi ko saka pumasok na at linock ko iyon, baka makapasok kasi siya eh. Delikado na.

***

Tapos na akong maligo pero hindi pa din ako lumalabas sa banyo, nakalimutan ko kasing magdala ng mga damit ko eh.

At baka nandiyan padin si V sa labas, ayoko namang lumabas ako sa banyo na nakatapis lang na towel. Ayokong makita niya ako ng ganun, tsk.

"Irene? Tapos kana maligo?" Katok ni V sa labas kaya nagulat ako.

"A-Ah, matatapos palang"

"Sinong linoloko mo? Hindi ko na marinig ang tubig kanina pa kaya malamang tapos kana, ano pabang ginagawa mo diyan sa banyo? Masarap ba diyang tumambay? Kasi tatambay din ako diyan" halakhak niya sa labas kaya napa irap nalang ako.

"Che! Ano pabang ginagawa mo diyan? Pumunta kana nga sa baba para kumain"

"Ayoko, gusto ko kasing kasama kita sa pagbaba saka sa pagkain eh"

"Aissh, umalis ka nalang. Pwede ba?"

"Pati ba naman sa pagsama ko sayo, papa alisin mo ako? Yan ba talaga ang gusto mo?" Tanong niya sakin, tinanong din niya sakin toh kahapon eh.

Look Into My Eyes 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon