|| Wendy's POV ||
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Jimin sakin saka kinuha ang phone niya sakin.
"Anong ibig sabihin ng text sayo ni Kei? May nangyari ba sa inyo?" Nakataas ang kilay ko habang tinatanong ko siya ng ganyan.
"What? Binasa mo ang text ni Kei?" Sabi niya saka tiningnan ang phone niya.
"Fck, bat mo binasa?! Alam mo ba ang salitang privacy?!" Tumaas ang boses ni Jimin kaya nagulat ako, so sinisisi niya ako?
"Hindi ako bobo, alam ko ang salitang privacy"
"Yun naman pala eh, bat mo binasa kung alam mo naman ang salitang privacy?"
"Curious kasi ako eh, sabi kasi nila curiousity kills the cat. Dahil sa mabait ako, ayokong may mamatay na pusa kaya binasa ko"
"Fck, naniwala ka naman nun? Atsaka akala ko ba hindi ka bobo? Sabi lang nila yun, hindi yun totoo"
"Teka, parang iniiba mo yung usapan ah? ano ang ibig sabihin ng text sayo ni Kei? May nangyari ba sainyo?"
"Tsk, wala lang yun. Magluto ka nalang diyan" sabi niya sabay talikod sakin, saka umupo siya sa upuan dun sa mesa.
Huminga naman ako ng malalim saka nagpatuloy sa pagluluto. Bat hindi niya sinasabi sakin kung may nangyari sa kanila? Masama bang magtanong?
Nang matapos ako sa pagluto, inilagay ko iyon sa pinggan saka ibinigay kay Jimin na ngayon ay nakatingin sa kanyang phone.
Napatingin siya sakin saka tinaas ang kilay niya, akmang magsasalita siya nang magsalita din ako.
"Pagkatapos mong kumain, ilagay mo nalang sa lababo. Ako nalang huhugas niyan bukas ng umaga, sa kwarto lang ako. Matutulog na ako" sabi ko saka pumunta agad sa room namin.
Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko kaso dinedma ko lang iyon, bahala siya diyan. Magsama sila ng Kei na yun, tutal pareho naman silang malandi eh. Tsk.
Humiga na agad ako sa kama saka pumikit, hindi ko alam kung bakit pero nagseselos ako. Nagseselos ako na may nangyari sa kanila ni Kei kanina, samantalang may nangyari din samin ni Jimin kanina.
Naiinis din ako sa sarili ko, naiinis ako kasi nagseselos ako. Naiinis ako kasi gusto ko pa din siya, naiinis ako kasi mahal ko pa din siya. At mas lalo lang ako naiinis kasi gusto kong akin lang siya.
Atsaka iniisip ko ding, pano kung hindi pala ako papanagutan ni Jimin kung mabuntis man ako? Pano kung tama sina Seulgi at Jin? At pano kung mali ako?
Kahit sabihin man nating andyan si Jin, kaya niyang sumalo ang pagiging ama sa bata kung umayaw sa bata si Jimin. Ay hindi ibig sabihin nun na papayag na ako sa gusto niya.
Natatakot kasi ako, natatakot ako na baka isang araw, ay mahulog ako sa kanya na baka hindi niya ako saluhin. Alam kasi naming lahat na may gusto pa din siya kay Joy.
At sigurado akong ginagawa lang niya ito kasi baka naaawa siya sakin na nabiktima ako ni Jimin sa pagkama atsaka ibabaliwala lang niya ako kapag nabuntis na ako.
Siguro ganun ang naiisip niya, hindi naman siguro na magkakagusto siya sakin diba?
At dahil sa mga naiisip ko, narinig kong bumukas yung pintuan at narinig ko din ang mga yapak niya patungo sa kama. Naramdaman kong humiga siya sa kama saka niyakap ako.
Pero inalis ko lang yung kamay niya na nakayakap sakin atsaka umupo sa higaan saka ko siya tiningnan ng masama.
"Explain" mariin kong sabi pero tinaas lang niya ulit ang kilay niya saka umupo din sa kama.
"Anong ie-explain ko?"
"Yung text nga ni Kei, may nangyari ba sa inyo?"
"Sinabi ko na diba sayo na wala lang y--"
"Jimin naman! Sabihin mo na kasi yung totoo, may nangyari ba sainyo?"
"Bat mo ba tinatanong? Ano ba kita?"
"Hindi ito tungkol sa kung ano man ako kaya sasabihin mo sakin, tinatanong ko ito kasi nagseselos ako! Kaya sabihin mo sakin kung may nangyari ba sa inyo ni Kei"
"Fck! You sounded like a jealous wife, Wendy. Bat ka nagseselos? Hindi naman tayo diba? Atsaka ano naman kung may nangyari samin? Fiance ko siya, kaya normal lang na magsex kami"
"Normal? Hindi nga tayo, at hindi mo ako fiance. So meaning Abnormal na magjugjugan tayo? Ganun ba yun?"
napapikit siya saka ginulo ang buhok niya, aba. Kung naiinis siya, lalo naman ako.
"Aissh, pwede ba?! Wag nalang natin pagusapan ito kasi pagod ako" sabi niya saka humiga at natulog na.
Huminga naman ako ng malalim saka humiga din sa katabi niya, nakatalikod siya sakin kaya tumalikod din ako sa kanya.
Pinikit ko ang mga mata ko at dun na tumulo ang mga luha ko.
*****
![](https://img.wattpad.com/cover/56413090-288-k732262.jpg)
BINABASA MO ANG
Look Into My Eyes 2
FanficPairings: • VRene • SeulHope • WenMin • JoyKook • YeriMon © gracyeol: Thanks for the cover eonnie ツ --- Started: December 8, 2015 Ended: January 8, 2017