♡ Chapter 31 ♡

298 24 0
                                    

|| Irene's POV ||

"Ano ba V, wag ka ngang magulo. Natutulog ako" inis na sabi ko at tinakpan ng unan yung mukha ko.

Kanina pa kasi niya ako ginigising eh, pero dahil sa antok na antok ako, hindi ako gumigising. Ikaw ba naman mapagod sa ginawa namin kagabi, tsk.

"Gumising kana kasi, gising na silang lahat at ikaw nalang yung tulog" rinig kong sabi ni V at kinuha sakin ang unan na nakatakip sa mukha ko.

"Bakit ba?! Wala naman tayong gagawin eh! Atsaka pagod ako kagabi kaya pwede bang patulugin mo ako?" Tiningnan ko siya saka ngumuso, magpapacute nalang ako para payagan na niya akong matulog.

"Hindi nga kasi pwede, may gagawin tayong lahat. At isa pa, napagod ka kagabi? Hindi nga ako napagod kahit ako yung nag effort sa ginawa natin kagabi" irap niya sakin at hinila niya ako patayo.

Oo nga, siya yung nag effort sa ginawa namin kagabi. Actually lahat ng boys, sila yung nag effort. Kahapon kasi sinurprise nila kaming girls tapos nagpaliwanag sila saming lahat, kaya ayan. Nagkabalikan kami ni V. Naiintindihan ko naman siya eh, naiintindihan ko kung bakit pa nila kailangan magpanggap na mahal nila yung mga fiance nila sa harap ng mga magulang. Ginawa nila yun para protektahan kami.

"Ano bang gagawin natin? Kainis naman eh"

"Napagisipan kasi ni Jhope hyung na manoud tayong lahat ng mga movies para daw magkabonding tayo, sumangayon naman yung iba kasi namiss daw nila yung bonding bonding natin noon" sabi niya kaya tumango ako.

"Tsk, fine. Maliligo lang ako" sabi ko at kinuha yung towel ko saka pumasok sa banyo.

Habang naliligo ako, naisip ko yung mga sinabi sakin ni V kagabi.

***

(FLASHBACK)

"V? Ano toh?" Takang tanong ko sa kanya, nandito kasi kami sa plaza at halatang inayos nila ito. Yung parang kapag nagd-date kayo or etc., basta yun na yun.

"Uh, Irene. May sasabihin ako sayo" sabi niya at binigyan niya ako ng rose. Tinanggap ko naman yun at kumunot yung noo ko.

Look Into My Eyes 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon