♡ Chapter 33 ♡

289 19 0
                                    

|| Wendy's POV ||

"Uy, Wendy" rinig kong tawag sakin ni Jimin habang papunta ako sa kusina.

Hindi ko siya pinansin at dumeritso nalang sa ref saka kumuha ng tubig, kanina ko pa kasi gusto kumuha ng tubig pero dahil sa naka akbay sakin si Jimin, hindi ko magawa.

"Wendy, pansinin mo naman ako. Bat ka nagagalit sakin?" Tanong niya sakin pero inirapan ko lang siya.

"Uy, bat ka nga galit sakin? Wala naman akong ginawang masama eh" sabi niya at hinawakan yung braso ko.

"Ano ba Jimin, bitawan mo nga ako" inis na sabi ko habang nagpupumigilas sa hawak niya.

"Ano nga kasi yung nagawa ko? Wala naman eh" inis na sabi din niya sakin.

"Hindi mo alam?"

"Hindi, kaya nga ako nagtatanong eh. Maayos naman tayong dalawa kanina ah?" Inirapan ko ulit siya at binawi yung braso ko, kumunot naman yung noo niya sa ginawa ko.

"Hindi mo alam? Pwes, alamin mo" sabi ko atsaka umalis na sa kusina.

Bwisit, bat hindi niya alam kung bat ako nagagalit sa kanya? Hindi ako nagagalit dahil sa sinabi niya kay Jhope. Nagagalit ako dahil hindi man lang niya ako kayang panagutan kahit kami na.

Alam kong hindi pa ako buntis, pero naiinis padin ako sa kanya. Kahit kami na, hindi ko pa din makalimutan yung sinabi niya kay Yeri kung papanagutan daw ba niya ako kung sakaling mabuntis man ako.

Nang makarating ako sa sala, nakita kong nanonoud pa din sila ng TV. Gusto ko sanang manoud, kaso dahil sa nabwisit ako kay Jimin, wag nalang.

Umakyat ako sa hagdan at pumunta sa kwarto namin saka yun linock. Alam ko kasing susundan ako ni Jimin eh.

Hihiga na sana ako sa kama namin nang may kumatok sa pinto, sabi na nga bat susundan ako dito ni pandak eh.

Hindi ko iyon pinansin at humiga nalang ako, mapapagod din naman siya sa kakakatok eh, kaya bahala siya diyan. Kinuha ko yung phone ko saka binuksan iyon, maglalaro nalang muna ako.

"Wendy? Si Seulgi toh" napabangon naman ako agad nang marinig ko yung boses ni Seulgi sa labas.

Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto, nang mabuksan ko iyon, agad siyang pumasok sa loob saka linock yung pinto.

"Seulgi? Anong ginagawa mo dito? May kailangan kaba?" tanong ko at umupo sa kama ko, sumunod naman siya sakin saka umupo na din sa tabi ko.

"Wendy, anong gagawin ko? Uggh" sabi niya at ginulo yung buhok niya, kumunot naman yung noo ko sa ginawa niya. Problema nito?

"Bakit? Anong problema mo?"

"Yung kabayo kasi yun eh, nagagalit sakin"

Look Into My Eyes 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon