|| Irene's POV ||
Anong ginagawa niya dito? Bat siya nandito? Kanina pa ba siya? Tapos na ba yung photoshoot nila? Atsaka nasan si Eunji? Pansin ko kasing palagi nang nakabuntot yung bruhang babaeng yun kay V.
"Teka, si V ba yun?" rinig kong tanong ni Mark habang tinuturo niya si V, sakto namang nang pagkasabi niya yun, lumakad na papalapit si V samin kaya napa atras agad ako.
Nang makalapit agad si V samin, bigla niyang hinila yung braso ko papalapit sakanya. Malakas yung pagkakahila niya sakin kaya napasubsob ako sa dibdib niya, bwisit toh. Mabuti nalang hindi napango ilong ko, kasi kapag nangyari yun, papatayin ko siya.
"Dude, back off" rinig kong sabi ni V kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti, napangiti ako hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil nakapagsalita siya ng straight english. Sheet, bago yun ah? Mag e-end of the world na ba?
Mukhang hindi naman nagsalita si Mark at wala yata siyang balak magsalita kaya hinila na ako ni V papalayo sa kanya, liningon ko pa nga siya ng medyo malayo na kami, at nakita kong nakayuko lang siya habang sinasabunutan yung sarili niya. Mukhang naguilty naman ako sa kanya kasi siya na nga yung sumunod sakin dito tapos maiiwan ko lang siya?
"V, san mo ako dadalhin?" mariin na tanong ko nang mapansin kong hindi ito patungo sa building na pinagmulan namin kanina. Hindi naman niya ako pinansin at patuloy lang sa paghila sakin hanggang sa tumigil siya sa harapan ng kotse na nakaparada sa ligid ng kalye kung san walang masyadong tao. Binuksan niya yung passenger seat at tiningnan niya ako ng seryoso.
"Sakay" utos niya sakin kaya kumunot yung noo ko.
"Sayo toh?" tanong ko habang nakaturo sa kotse, hindi ulit niya ako pinansin at tinulak ako ng mahina papalapit dun sa passenger seat.
"Wag kanang mag tanong, bastat sumakay ka nalang" sabi ulit niya kaya napairap nalang ako.
"Fine, no need to push me" inis na sabi ko atsaka sumakay na, akala niya siya lang marunong magsalita ng straight english ah? Pwes, nagkakamali siya. Padabog na sinirado niya yung pinto sa gilid ko kaya nagulat ako, bat ba siya nagagalit? Nagagalit ba siya dahil mas magaling akong magsalita ng straight english kesa sa kanya? Tsk.
Sumakay din siya sa driver seat at pina andar na niya yung kotse, pero bago pa siya makadrive, pinigilan ko muna siya.
"Teka, marunong kanang mag drive? May license kana ba?" tanong ko habang nakahawak sa braso niya, tiningan niya yung kamay ko na nakahawak sa braso niya at inis niya itong inalis.
"Ano sa tingin mo? Tsk" irap niya sakin atsaka nagsimula na sa pag maneho.
"Sungit, parang nagtatanong lang eh" bulong ko, mukhang hindi naman niya yun narinig kasi hindi siya nagsalita, pero baka narinig nga niya yun, ngunit hindi lang siya nagsalita? Aish, ewan. Bastat ang alam ko, naiinis ako sa kanya, period.
BINABASA MO ANG
Look Into My Eyes 2
FanficPairings: • VRene • SeulHope • WenMin • JoyKook • YeriMon © gracyeol: Thanks for the cover eonnie ツ --- Started: December 8, 2015 Ended: January 8, 2017