♡ Chapter 30 ♡

274 21 0
                                    

|| Yeri's POV ||

"Oh, anong pag uusapan natin?" Tanong ni Seulgi unnie nang makaupo na siya sa tabi ni Irene unnie.

Pinatawag ko kasing silang apat kasi kailangan talaga naming lahat mag usap usap, tungkol sa away nina Wendy unnie at Seulgi unnie na kailangan na nilang magbati, tungkol sa pag iyak ni Joy unnie na hindi namin alam ang dahilan, at lastly yung tungkol sa halik na nakita ko kanina nina Irene unnie atsaka V oppa.

"Marami tayong pag uusapan unnies" sabi ko saka tiningnan ko sila isa isa.

Tahimik si Wendy unnie na nakaupo sa gilid pero nakatingin siya sakin, tahimik din na nakaupo sa tabi niya si Joy unnie na medyo mapula yung ilong at mata niya sa kakaiyak. Si Irene unnie naman tahimik ding na nakaupo sa tabi ko at ni Seulgi unnie habang hindi makatingin sakin ng deritso, at si Seulgi unnie naman nakakunot yung noo niya sakin.

"Like ano? Importante ba yan? Atsaka nasan na pala sina Manager? Tapos naba silang magusap nina Jhope? At nasan naman sila Jhope? Yung mga boys? Mukhang tahimik ata yung bahay eh" madaming tanong sakin ni Seulgi unnie, siya lang yung maingay samin dito.

"Ang dami mo namang tanong unnie, pero sasagutin ko yan isa isa. Importante yung paguusapan natin, like tungkol isa sa inyo. Umalis na sina Manager pagkatapos magusap nila ni Namjoon oppa kasi madami pa silang gagawin, nasa rooftop yung lahat ng boys kasi mag uusap usap daw sila, yan yung sabi sakin ni Jin oppa" sabi ko kaya napatango si Seulgi unnie.

"Okay, may kailangan bang pag usapan isa samin?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Meron, may mga problema kasi kayo at gusto kong maayos niyo iyon. Firstly, Wendy unnie at Seulgi unnie, kung ano man yang away niyo, pwede bang magbati na kayo?" Sabi ko kaya tinaasan ako ng kilay ni Wendy unnie at nakita kong huminga ng malalim si Seulgi unnie.

"Okay fine. Wendy, im sorry. Sorry kung nagalit ako sayo, sorry talaga. Nagaalala lang naman ako sayo eh. Pero sige, kung ano man yang maging desisyon mo, tatanggapin ko na" sabi ni Seulgi unnie, ngumiti naman sa kanya si Wendy unnie saka pinunasan yung pisngi niya na may luha.

"Sorry din, alam ko namang nagaalala kalang eh. Kaya sorry din kung nagalit ako sayo, at isa pa. Hindi ko talaga kayang buhayin magisa yung anak ko" - Wendy unnie.

Look Into My Eyes 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon