♡ Chapter 23 ♡

321 24 4
                                    

|| Jungkook's POV ||

Nang pagka alis nina Joy, bigla namang pumunta sa kusina si RapMon hyung kasama sina Yein.

Sabi ko na nga ba, seryoso pa din ba si hyung sa plano namin noon? Kasi ako, hindi na ako seryoso dun.

Okay na saakin na nasaktan si Joy nung una dahil sakin, at hindi ko na iyon hahayaan ngayon na masaktan ulit siya. Kahit na alam kong ganun padin ang mangyayari.

"Hyung, bat sila nandito?" Tanong ni V hyung.

"Pinapapunta ko sila dito, bakit?" Sabi ni hyung kaya nanlaki yung mga mata ko.

"Ano?! Hyung naman, diba sabi ni Manager na bawal sila pumunta dito?!" Inis na sabi ko sa kanya.

Totoo naman kasi eh, sa nangyari kahapon. Malabo nang pwede pang pumunta sina Yein dito, at nakalimutan naba niyang pupunta sina Manager dito mamaya?!

"Hindi naman sila pupunta dito, kaya hindi nila malalaman" sabi ni RapMon hyung, tsk. Nakalimutan nga niya.

Tumikhim naman si Jin hyung kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Nakalimutan mo ba, Namjoon? Pupunta sina Manager dito para magusap usap kayo, antagal niyo kasi dumating kagabi eh. Ano bang ginawa niyo at bakit antagal niyong umuwi? Ano pa ba ang ginawa ninyo? Bukod sa pagdala sa kanila sa hospital, ano pang ginawa niyo?" Takang tanong niya.

"Ah Jin hyung, ayaw kasi magpa iwan nina Mijoo sa hospital kaya dun lang muna kami" sabi ni Jhope hyung.

"What? Bat hindi sila nagpa iwan? As if may sugat sila or what, wala naman silang ganun so bakit pa din kayo nag stay dun?" singit ni Seulgi noona sa usapan.

"Seulgi kas--" naputol ang sasabihin ni Jhope hyung nang sumingit din si Mijoo noona.

And the war goes on.

Habang nag aaway sila, kumain nalang ako. Diba parang bastos yun? Nag aaway sila sa harap ng pagkain? Tsk. Sila yung matatanda kesa samin ni Yeri pero sila yung gumagawa nun.

Haay, mga mas matatanda nga naman sayo ngayon.

Habang kumakain ako, nakatingin lang ako sa kanilang lahat. Sabi kasi nila, mas masaya daw manoud ng mga away kapag kumakain ka. Para ka lang daw nanonoud ng Movie. Libre na nga, live pa.

Pero nagulat naman kaming lahat ng biglang sinampal ni Wendy noona si Kei noona.

"Wendy!" Sigaw ni Jimin hyung kaso hindi namin siya pinansin. Bahala ka diyan.

Look Into My Eyes 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon