|| Yeri's POV ||
Nag uusap usap kami nina Irene unnie atsaka V oppa dito sa hagdan nang nakita nalang namin si Joy unnie na umiiyak habang tumatakbo patungo samin.
"Joy? Bat ka umiiyak?" Tanong ni Irene unnie, umiling naman si Joy unnie saka tumakbo paakyat sa hagdan.
"Minsan talaga hindi ko magets ang mga babae eh, kasi tingnan mo. Kapag may nakita akong babaeng umiiyak, tapos kapag tinatanong kung bat siya umiiyak, yung tanging sagot lang niya ay iling oh di kaya 'wala'. Ano yun? Umiiyak lang sila dahil sa walang dahilan? Aminin niyo nga sakin, baliw ba kayong mga babae?" - V oppa.
Sinamaan ko naman siya ng tingin habang binatukan naman siya ni Irene unnie, hindi kaya mga baliw yung mga babae.
"Anong baliw? Kaya ganun ang mga sagot ng mga babae kasi ayaw nilang malaman nang ibang tao kung bat sila umiiyak. Hindi kami mga baliw" - Irene unnie.
"Asus, hindi daw baliw. Baliw na baliw ka kaya sakin noon, kahit ngayon pa. Baliw na baliw ka sakin, hindi mo lang inaamin" - V oppa.
"What? Hindi noh, hindi ako baliw na baliw sayo. Asa! Ikaw nga tong baliw na baliw sakin eh"
"Sige aaminin kong baliw na baliw ako sayo, eh ikaw? Bat hindi mo man lang maamin sakin na ganun ka din?"
"Kasi hindi naman talaga ako baliw sayo"
"Sus, wag kanang mahiya. Ibulong mo nalang sakin para hindi marinig ni Yeri na baliw ka sakin, dalii"
"Shut up! Hindi nga ako baliw sayo, diyan kana nga!" Inis na sabi ni Irene unnie saka umakyat na sa taas.
"Sungit talaga nun, aamin lang naman siya sakin eh. Sige Yeri, susundin ko lang yun. Diyan kalang ba?" Tanong ni oppa sakin, tumango naman ako saka ngumiti.
BINABASA MO ANG
Look Into My Eyes 2
FanficPairings: • VRene • SeulHope • WenMin • JoyKook • YeriMon © gracyeol: Thanks for the cover eonnie ツ --- Started: December 8, 2015 Ended: January 8, 2017