♡ Chapter 22 ♡

362 23 7
                                    

(A/N: Itong chapter na ito ay parang same day din dun sa Chapter 17, para hindi uli kayo malito)

|| Jungkook's POV ||

Nagising ako nang naramdaman kong may yumuyugyog sakin. Iminulat ko yung mga mata ko at nakita ko si Joy na masama ang tingin sakin.

"Mabuti naman at nagising kana, kanina pa kasi kita ginigising eh. Tulog mantika ka talaga, tsk" inis na sabi niya sakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay ko.

"Sana hinalikan mo nalang ako para magising agad ako, hindi yung yinuyugyog mo ako" ngisi ko sa kanya, pero irap lang yung natanggap ko.

"Whatever, dun kana lang sa fiance mo magpahalik" sabi niya saka tumayo, bago pa siya makalabas, tumingin muna siya sakin.

Ngumiti naman ako ng matamis sa kanya, kaso inirapan lang niya ulit ako. Sana matanggal na yung kilay niya kakairap sakin, tsk. Para sa susunod na ngingiti ako, hindi na siya iirap sakin.

"Maligo kana, tapos bumaba kana agad. Tulungan natin sina Wendy unnie magluto ng makakain natin ngayong umaga" saka tuluyan na siyang lumabas.

Huminga naman ako ng malalim saka kinuha yung phone ko, may isang message ako at galing iyon kay Yein.

From: Yein

Hindi kana ba pagod? Kung hindi na, lambingin mo na ako. Nagtatampo pa ako sayo eh :((

Napailing ako saka binalik yung phone ko sa mesa, minsan talaga naiinis na ako kay Yein. Hindi ba niya nararamdaman na ayaw ko sa kanya?

Kinuha ko yung tuwalya ko saka pumasok na sa banyo. Sa totoo lang, hindi ko naman gusto magkameron ng fiance eh. Or should I say, kaming lahat. Ayaw naming magkameron ng fiance, sadyang pinilit lang kami ng mga magulang namin.

Noon, kaya kami nakipaghiwalay sa kanila kasi tinakot kami ng mga magulang namin. Kapag hindi daw namin sila hiniwalayin, babagsak daw yung mga negosyo nila at pati daw buhay nila Joy, babagsak din daw. At dahil sa ayaw naming mangyari yun, pumayag nalang kami.

Tapos nung nalaman naming umalis silang lahat at pumunta sa Korea, nalungkot kami. Lalo na si V hyung, pero nagalit naman si RapMon hyung sa kanila. Kasi kaya daw sila umalis, para kalimutan kami.

Alam ko naman yun eh, kaya nga sila aalis para kalimutan kami pero hindi naman ako magagalit sa kanila dahil dun. Nasaktan kasi namin sila kaya malamang aalis sila dito para makalimutan na nila yung sakit na dinanas nila dito.

Nang makilala na namin yung mga fiance namin, aaminin ko. Maganda silang lahat, pero wala pa ding matatalo sa kagandahan nila Joy. Tapos nung nalaman naming model na pala sila sa Korea, naisipan din nila hyung na mag model din dito. Ewan ko kung anong nakain nila at naisip nila yun.

Look Into My Eyes 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon