♡ Chapter 9 ♡

337 22 2
                                    

|| Jin's POV ||

"Tsk, tulog mantika talaga" sabi ko habang inaayos yung mga gamit ni Suga.

Dahil sa mabait ako, ako nalang yung nag ayos sa gamit niya kasi ang himbing ng tulog niya. Tutal tapos na akong mag ayos ng gamit ko, kaya okay lang.

Nang matapos na ako sa pag aayos, lumabas na ako sa room namin saka pumunta sa kusina. malapit na kasing maghapunan kaya naisipan kong magluto nalang.

***

Habang nag luluto ako, bigla nalang dumating si RapMon saka tinapik ang balikat ko.

"Hyung" seryosong sabi niya.

"Oh?"

"Pupunta sila dito" napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Huh? Sino?"

"Sina Baby Soul" nanlaki naman yung mga mata ko sa sinabi niya.

"ANO?!"

"Hyung, wag ka namang sumigaw. Baka makarinig sila"

"PANO HINDI AKO SISIGAW?! KASI NAGULAT AKO EH!"

"Oo na hyung, nagulat kana nga. Kaya pwede ba? Wag kanang sumigaw" kalmadong sabi niya sakin, aba.

"ABA, PANO HIND--"

"Isa pang sigaw mo, aanuhin kita"

"AANHIN MO AKO?! HAHALIKAN?!"

"Kadiri, hindi ah. Di tayo talo bro"

"ABA, AT NGAYON NANDIDIRI KANA SAKIN?! AKALA KO BA NAMJIN FOREVER?!"

"Walang Forever, hyung"

"Ano ba kayo, bat ba kayo sumisigaw diyan?" Napatigil kami ni RapMon at tumingin kay V na kakapasok palang sa kusina.

"Eto kasi si Jin hyung eh, kanina pang sumisigaw. Hindi nalang niya namalayan na sunog na yung linuluto niya" nanlaki uli yung mga mata ko sa sinabi niya, nyeta.

Dali dali kong tiningnan ang linuluto ko saka pinatay na yung stove, bwisit. Kainis kasi yang badjao na yan eh, kung hindi niya sana ako kinausap kanina edi sana hindi masusunog tong linuluto ko.

"Hyung, pano na yan? Wala na tayong kakainin" malungkot na sabi ni V, tsk.

"Si RapMon kasi eh"

"Ako nanaman? Ano bang kasalanan ko?"

Look Into My Eyes 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon