Sa panahon na ang mundo ay sumasailalim sa panahon ng mga mananakop, mga umuusbong na kaharian at kultura, mga paglalakbay, pagtuklas at iba pa, isang bahagi ng mundo sa kontinente ng Asya ang nagtataglay ng nakatagong kasaysayan, kasaysayan ng kapangyarihan, kaharian, at ng walang katulad na pag-ibig ang itinago sa mahabang panahon, at ito ang natatagong lihim ng isang reyna na namuno sa isang dinastiya na bumago sa mukha at paniniwala ng lahat ng mga tao sa kanyang panahon.
Panahon iyon ng taglamig sa isang bansa sa kontinente ng lumang Asya na tinatawag na Suzaku, ang bansang ito ay pinamumunuan ng dakilang hari na si Haring Yang Jong at Reyna Yang Geum at nang maharlika nitong angkan, noong panahong iyon ang kaharian ay nasa ilalim din ng kapangyarihan ng kaharian ng dinastiyang Lee kaya naman ang kaharian ay nagtatamasa ng kasaganaan kahit na sa panahong iyon.
Noong mga panahong ding iyon si Reyna Yang Geum ay nagdadalang tao, maingat at mabuting inaalagaan ng buong kaharian ang Reyna Yang Geum dahil sa maselan din ang pagdadalng tao nito at bukod dito ay ito ang magiging unang anak niya na magiging tagapagmana ng buong angkan ng kaharian.
Isang gabi, limang araw bago ang nakatakdang araw ng pagsilang ng unang maharlikang anak ng Hari at Reyna, nagtungo ang punong babaylan ng kaharian na si Lady Shin Bae sa hardin sa labas ng templo, ang hardin noon ay nababalutan ng makakapal at mapuputing niyebe, ang lamig na dala ng hangin ay nanunuot sa kalamnan sa kabila ng makapal na kasuotan at balabal ng pinunong babaylan, payapa at maaliwalas noon ang kalangitan, pansamantalang nawala ang mga ulap na nagdadala ng niyebe, makikita noon sa kalangitan ang magandang buwan at mga bituin, sa mga sandaling iyon ay tumingin sa langit ang pinunong babaylan, kanyang pinagmasdan at binasa ang hatid na mensahe ng mga bituin sa gabing iyon.
"Ang kambal na bituin, hindi ito maaaring mangyari." Ang halos gulat na nasabi ni Lady Shin Bae noong sandaling makita niya sa kalangitan ang sinasabi niyang kambal na bituin.
Tumingin siya sa kanyang paligid upang magmasid at alamin kung may iba pang tagatemplo o kaharian ang naroon, nang makasiguro na mag-isa lamang siya sa hardin sa malamig na gabing iyon ay muli siyang tumingin sa kalangitan at pinagpatuloy ang pagbasa sa mga bituin, nang matapos niya basain ang mga bituin ay agad itong bumalik sa loob ng templo, kumuha siya ng lampara na ginamit niyang ilaw sa kanyang muling paglabas ng temple.
"Lady Shin, masiyado na pong malalim ang gabi at malamig na din po, bakit po lumabas pa kayo ng templo?" ang tanong ng isang kapitan ng kaharian na siyang nagbabantay sa templo.
"Kailangan kong makausap ang Mahal na Hari, kailangan kong makapunta ngayon sa Kamahalan." Ang malumanay na sagot ni Lady Shin Bae.
"Ngunit punong babaylan, masiyado na pong malalim ang gabi at marahil ay nagpapahinga na ang Kamahalan sa mga oras na ito." Ang sabi ng kapitan.
"Hindi ko hinihiling na samahan mo ako sa Kamahalan, hindi ko rin hinihingi ang opinyon mo, ngunit gusto ko lamang ipaalam sayo na mas mahalaga sa pagpapahinga ng hari ang kapakanan ng kanyang bansang nasasakupan, kaya kung mamarapatin mo ay umalis ka sa aking daraanan kapitan." Ang sabi ni Lady Shin Bae na may pagmamatigas ngunit nasa malumanay pa ding tono ng pananalita.
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...