Tinahak ni Hyun ang bayan ng kaharian ng dinastiyang Lee, noong mga sandaling iyon ay tanging mga bahay aliwan, panuluyan, at mangilan-ngilang mga kainan na lamang ang bukas at nagbibigay liwanag sa bayan, ngunit sa halip na tahakin niya ang mga daang kakikitaan ng mga tao at may liwanag ay pinili ni Hyun na dumaan sa madilim at tahimik na bahagi ng bayan.
Sa kanyang patuloy na paglalakad sa madidilim na bahagi ng bayan, ay biglang napahinto si Hyun na para bang pinakikiramdaman ang paligid, dahan-dahan niyang nilingon ang kanyang likuran ngunit wala siyang nakitang sino man o ano man, ngunit wala mang nakita ay iba pa din ang kutob ni Hyun kaya naman naging alerto siya at inihanda ang kanyang sarili sa ano mang maaaring mangyari sa gabing iyon, muli siyang nagpatuloy sa pagbagtas sa mga madidilim na daan at eskenita ng bayan na iyon, hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng bayan, huminto siya at huminga ng malalim at kasabay noon ang mabilis niyang paghugot sa kanyang espada at agad na ipinansalag sa atake na nagmula sa kanyang likuran, at di niya inaasahan na isang kakilala pala ang umatake sa kanya.
"Ha-ha-ha, mukhang talagang mahirap kang maging kalaban, masiyado kang alerto sa lahat ng pagkakataon." Ang sabi ng lalaking umatake kay Hyun at ibinlaik ang espadang ginamit niya sa pag-atake sa sisidlan nito.
"Il, ikaw? Anong ginagawa mo dito? Wag mong sabihing binabalak niyo pa rin na tapusin ang buhay ng mahal na reyna?" ang sabi ni Hyun kay Il, at mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kanyang espada na napansin naman agad ni Il.
"Oh teka lang masiyado ka namang seryoso, ibaba mo na nga yang espada mo." Ang sabi ni Il na pabiro ang tono, pero kahit na sinabi niya nang ibaba ni Hyun ang espada nito ay di pa din ito ginawa ni Hyun at tumingin ng seryoso kay Il.
"Wala akong panahon na makipagbiruan sayo Il, kaya sabihin mo bakit ka naparito?" ang tanong ni Hyun kay Il, at napangisi at napakamot na lamang si Il noong mga sandaling iyon.
"Hay naku, sabi na nga ba at hindi magandang ideya na ako ang papuntahin dito ni reyna Yon Sang Byeol para kausapin ka at sunduin." Ang sabi ni Il bilang tugon sa tanong ni Hyun.
"Anong ibig mong sabihin na pinapunta ka dito ng reyna ng Byeol Yeosin para kausapin at sunduin ako?" ang tanong ni Hyun na hindi pa din ibinababa ang kanyang espada.
"Pero sa tingin ko bago ko sagutin yang tanong mo pwede bang ibaba mo na yang espada mo? Sinusubukan lang naman kita kanina kung talagang dapat kang pagkatiwalaan sa kaligtasan ng mahal na reyna, kaya pwede ba ibaba mo na yang espada mo dahil wala akong balak talaga na masama sayo, tulad ng sabi ko naparito lang ako dahil napakiusapan at nautusan lang ako ng reyna, nagkataon lang na habang papunta ako ng palasyo nakita kitang naglalakad kaya sinundan na lang kita." Ang sabi ni Il bilang paliwanag upang ibaba na ni Hyun ang espada nito na sa mga oras na iyon ay nakatutok pa din sa kanya, sandaling tinitigan ni Hyun si Il sa mga nito upang alamin kung nagsasabi nga ba ito ng totoo at ilang sandali pa ay inialis na ni Hyun ang kanyang espada sa pagkakatutok nit okay Il at agad na ibinalik sa sisidlan nito.
"Sige na naniniwala na ako na wala kang masamang binabalak kaya sabihin mo na kung ano ang ibig mong sabihin sa ipinakiusap sayo ni reyna Yon Sang Byeol na kausapin ako at sunduin." Ang sabi ni Hyun na halatang interesadong malaman ang lahat tungkol sa ipinakiusap ng reyna ng Byeol Yeosin kay Il.
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...