Lumipas ang limang araw at dumating ang takdang araw ng panganganak ng reyna ng kaharian ng Suzaku na si Reyna Yang Geum, tulad ng napag-usapan, ang punong babaylan ang nag-asikaso sa lahat ng may kinalaman sa panganganak ng reyna, siya ang pumili sa mga doktor at nars, tagapaglingkod, kapitan at kawal ng kaharian na magbabantay sa palasyo ng reyna, at sa iba pa.
Sa loob ng silid kung saan isinasagawa ang pagpapaanak kay Reyna Yang Geum, ay nandoon rin kasama ng mga doktor, nars, at piling espesyalista sila haring Yang Jong at ang punong babaylan na si Lady Shin Bae, dahil sa maselan ang kalagayan ng reyna ay hindi maiwasang mangamba ng hari para sa kanyang reyna, naupo sa tabi ng reyna at hinawakan ang kamay nito ng puno ng pag-aalala.
"Aking reyna, tatagan mo nawa ang iyong kalooban, wag ka nawa panghinaan, kailangan mo ding lumaban at mabuhay para sa ating mga magiging anak." Ang halos pabulong na sabi ni haring Yang Jong, ngumiti sa kanya ang reyna sa kabila ng hirap na dinaranas niya sa panganganak.
Sa loob ng silid ay mararamdam ang tensiyon at kaba, tanging maririnig lamang ay ang boses ng doktor na nagpapaanak sa reyna na kasunod nito ay mga pag-ire ng reyna upang mailabas ang mga sanggol sa kanyang sinapupunan, makalipas ang ilang oras ay lumabas ang unang sanggol, isa itong babae, umalingawngaw sa buong silid ang pag-iyak ng unang sanggol ngunit gustuhin mang matuwa ng mga naroroon ay alam nilang hindi pa tapos ang lahat, alam na nila na kambal ang isisilang na sanggol ng reyna, dahil pinili sila ng hari at ng babaylan lahat ng naroon ay nangako ng katapatan sa paglilihim nito.
Agad na pinunasan ng mga nars ang dugo sa unang sanggol, pagkatapos nito ay ibinalot nila ito sa malinis na tela at agad isang nars ang siyang bumuhat dito, ang doktor ay nagpatuloy sa pagpapaanak, ngunit nakapansin ng kakaiba ang doktor sa reyna, tila napansin niyang nanghihina na ito.
"Nars Soo Mae, pakitignan ang pulso ng mahal na reyna, madali." Ang agad na sabi ng doktor na nagpapaanak sa reyna.
"Opo Doktor Baek!" ang tugon ng nars at agad niyang sinuri ang pulso ng reyna, at nang suriin ay hindi na naiwasang mag-alala ng nars, "Doktor Baek, hindi maganda ito, bumabagal na ang pulso ng mahal na reyna, sa tingin ko po'y hindi niya na kakayanin pa." ang sabi ng nars, nang madinig ito ni haring Yang Jong ay mas hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay ng kanyang reyna at hinalikan niya ito.
"Pakiusap aking reyna, huwag kang bibitiw, huwag kang susuko, alam kong kakayanin mo ito, pakiusap aking reyna lumaban ka." Ang sabi ng hari bilang pagsusumamo kay reyna Yang Geum na tatagan pa ang loob nito.
"Mahal na reyna pakiusap lumaban po kayo, kayanin niyo po, buhay po ninyo at nang inyong magiging anak ang nakasalalay dito, pakiusap po." Ang pakiusap ng punong babaylan na si Lady Shin Bae.
Hinalikang muli ni haring Yang Jong ang kamay ni reyna Yang Geum na hawak niya, sa kabila ng panghihinang nararamdaman ng reyna ay pinilit niya ang kanyang sarili upang maisilang ang ikalawa niyang anak, ilang sandali pa ay nagawa din ng reyna na maisilang niya ang ikalawa sa kanyang kambal, isa itong lalaki, at katulad ng naunang babae ey umalingawngaw din sa buong silid ang unang pag-iyak ng sanggol, nang matapos niyang maisilang ang ikalawa at huling sanggol na nasa kanyang sinapupunan ay sandali itong pinagmasdan ng reyna at pagkatapos noon ay ngumiti ito at tiyaka nawalan ng malay, nang makita iyon ng hari ay nangamba agad si haring Yang Jong, sinuri agad si reyna Yang Geum ng doktor na naroon.
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...