KABANATA XXV: Pagpili sa mga Babae ng Hari

3.9K 156 13
                                    


Noong araw na dumating ang mga kinatawang babae ng mga kahariang kapanalig ng dinastiyang Lee ay nagkaroon naman din ng pagpupulong ang mga minnistro sa palasyo ng Suzaku, sa tanggapan ng mga ministro ng sa palasyo ng kaharian ay nagtipon ang lahat ng mga ministro.


"Punong ministro Kim, nais namin kayong batiin dahil nalaman namin na ang iyong pamangkin na si Kim Eun Ro ang napili nang hari na kumatawan sa ating kaharian, at masasabi ko na hindi nagkamali ang hari sa pagpili dahil minsan ko nang nakita ang inyong pamangkin na iyon at masasabi ko na nagtataglay ito ng kagandahang tulad sa prinsesa." Ang sabi ni ministro Gyo Jin Go bilang pagbati kay punong ministro Kim, nang madinig naman iyon nila ministro Tang ay ikinabigla nila ang sinabing iyon ni ministro Gyo Jin Go sa kadahilanang sa mga nagdaang araw at buwan ay ni hindi nabanggit sa kanila ng punong ministro ang tungkol dito, kaya naman di nila naiwasan ang magkatinginan na hindi naman napansin ni punong minsitro Kim dahil sa labis na pagkatuwa.


"Maraming salamat ministro Gyo Jin Go, hindi ba't maganda at tiyak na malaki ang magiging tulong sa ating kaharian kung mapili ang aking pamangkin na maging isa sa babae ng haring Lee Shin ng dinastiyang Lee, bukod sa reyna ng dinastiya na sa ating kaharian nagmula ay mas mapapalakas pa natin ang impluwensiya ng kaharian dahil sa aking pamangkin." Ang sabi naman ni punong ministro Kim at tumango naman ang mga kasama nitong ministro maliban sa mga kapanalig niyang ministro na tila naghihimutok sa ginawang paglilihim na iyon ng punong ministro tungkol sa mga plano nito.


Nang matapos ang pagpupulong ay naiwang sila punong ministro Kim, ministro Choi, minsitro Ma, ministro Min, at ministro Tang. Tahimik lamang ang apat na ministro na tila ba hinihintay na magsalita at magpaliwanag sa kanila ang punong ministro.


"Ano ang dahilan ng inyong pagtahimik mga ministro? Bakit para kayong mga naputulan ng dila?" ang tanong ni punong ministro Kim.


"Ah punong ministro, huwag ninyo sanang masamain ang aking itatanong." Ang bungad na sabi ni ministro Tang na nagdadalawang isip man na magsalita at magtanong ay siya na din ang naglakas loob na magsalita para sa mga kasamahan.


"Ano ba ang iyong itatanong ministro Tang?" ang tanong ni punong ministro Kim na tila ba wala pang ideya tungkol sa itatanong sa kanya ng kapanalig na ministro.


"Ah, punong ministro nais lamang naming malaman kung bakit hindi ninyo lamang po napaalam sa amin ang tungkol sa pagiging kinatawan ng inyong pamangkin para sa ating kaharian?" ang tanong ni ministro Tang habang nanatiling tahimik lamang ang tatlo pang kasama nitong ministro.


"Ahh, kung ganoon ay iyon ang dahilan ng inyong pagtahimik mula pa kanina? Iyon ba ang ipinaghihimutok ninyo?" ang tila nainis na sabi ni punong ministro Kim at napahampas pa siya sa mesa na kinabigla ng mga ministro.


"Hindi naman sa ganoon punong ministro, ang sa amin lamang ay magkakapanalig tayo kaya naman hindi po ba nararapat lamang na may alam kami sa balak ninyong gawin upang maging kami ay may maitulong?" ang sabi naman ni ministro Choi na tila di nais na makitang galit ang punong ministro.


"Huwag kayong mag-alala hindi ko nakakalimutan na kapanalig ko kayo, at hindi koi to ginagawa para lamangan kayo, inililihim ko ang karamihan sa aking mga plano sa inyo sa kadahilanang nais ko munang masiguro na magiging maayos ang lahat." Ang sabi ni punong ministro Kim bilang paliwanag, "ang pagpapadala sa aking pamangkin bilang kinatawan ng ating bansa ay wala pang kasiguruhan noong ibinalak ko iyon dahil matagal na din noong huling humiling ang kaharian ng dinastiyan Lee na magpadala ng kinatawan na babae ang bawat kaharian na kanilang kapanalig, kaya hindi ko agad sinabi sa inyo dahil sa dahilang iyon, sa tingin niyo hahayaan ko na magmukhang mangmang ako sa inyo?" ang sabi ni punong ministro Kim na bahagaya nang kumalma at para namang nahiya sa kanialang sarili ang mga ministro niyang kapanalig at yumuko ito sabay hingi ng pasensiya sa punong ministro.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon