KABANATA XI: Alinlangan, Pagtatapat, Balak, at Babala

4.8K 205 14
                                    


Simula nang makabalik si prinsipe Lee Shin sa kanilang kaharian mula sa kaharian ng Suzaku ay tila naging madalas ang malalim nitong pag-iisip, at madalas na iniisip niya ay tungkol kay prinsipe Hwang na kanyang nakilala sa bayan na nasasakupan ng kaharian ng Suzaku, madalas ay namamalagi ito sa kanyang silid tanggapan o di naman kaya ay sa hardin ng kanyang tahanan na tahimik at pinagmamasdan lamang ang langit.


"Mahal na prinsipe, mawalang galang na po." Ang sabi ni ginoong Shen bilang pagtawag sa atensiyon ni prinsipe Lee Shin na kasalukuyang nasa hardin at nakatanaw lamang sa langit, nilingon naman ito ni prinsipe Lee Shin.


"Ano iyon ginoong Shen? May nais ka bang sabihin sa akin?" ang tanong naman ni prinsipe Lee Shin.


"Hindi naman po sa nanghihimasok ako kamahalan, ngunit napansin ko po kasi na simula na magbalik ka mula sa kaharian ng Suzaku ay tila napapadalas ang pag-iisip niyo ng malalim at malayo ang inyong tanaw, at mas madalas na tahimik lamang po kayo kamahalan, maaari bang malaman kung nagkaroon ng di magandang pangyayari noong naroon ka?" ang tanong ni ginoong Shen.


"Wala namang nangyari na masama sa akin noong naroon ako ginoong Shen, ngunit may nangyari kasi roon na lubos akong napaisip, hindi ko lang talaga lubos na maunawaan ginoong Shen." Ang tugon ni prinsipe Lee Shin at napatingin muli siya sa kalangitan.


"Ano naman po ang pangyayaring iyon mahal na prinsipe ang inyong hindi lubos na maunawaan?" ang tanong ni ginoong Shen, napahinga ng malalim si prinsipe Lee Shin at humarap kay ginoong Shen.


"Ginoong Shen, posible ba na magkaroon ang isang tao na kamukha nito, yung magkamukhang magkamukha talaga yung aakalain mo na yung tao na iyon ay yung kilala mong tao?" ang tanong ni prinsipe Lee Shin sa ginoo.


"Posible ang ganoong bagay mahal na prinsipe, pero mas mataas ang tiyansa na ang taong magkamukha ay kambal na magkapatid, pero may mga pagkakataon na magkamukha ang dalawang tao kahit hindi kambal o magkapatid." Ang sabi ni ginoong Shen bilang sagot at napatango-tango na lamang si prinsipe Lee Shin, "bakit mahal na prinsipe may nakita po ba kayo na kamukha niyo noong naroon kayo sa kaharian ng Suzaku?" ang dagdag na tanong ni ginoong Shen, at umiling si prinsipe Lee Shin sabay talikod at muling tumingin sa langit.


"Wala akong nakita na kamukha ko, pero may nakita ako na kamukha ng prinsesa ng Suzaku na si prinsesa Bong." Ang sabi ni prinsipe Lee Shin at hindi napigilan ni ginoong Shen na manlaki ang mata nito at mapapunta sa harapan ni prinsipe Lee Shin, napatingin sa kanya ang prinsipe dahil sa kinilos nito.


"Mahal na prinsipe huwag niyo pong sabihin na iniisip niyo na umatras sa kasunduan ng inyong dinastiya at ng kaharian ng Suzaku sa inyong pag-iisang dibdib ni prinsesa Bong?" ang nangangamba tanong ni ginoong Shen.


"Ano ka ba ginoong Shen, kumalma ka lang, masiyado ka namang kabado, huwag kang mag-alala hindi ko ilalagay sa kahihiyan ang aming kaharian at ang pangalan ng aking amang hari at inang reyna, at saka bukod doon ay matagal na simula ng huli kaming magkita ni prinsesa Bong hindi ba kaya naman di na rin ako nakakasiguro na siya nga ang nakita ko sa bayan ng kanilang kaharian, at tiyaka..." ang naputol na sabi ni prinsipe Lee Shin na tila nagdalawang isip na ipagpatuloy pa ang kanyang sasabihin.


"At tiyaka ano po mahal na prinsipe?" ang usisa naman ni ginoong Shen.


The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon