Noong gabing iyon, ang gabi ng kamatayan ng unang babae ng hari, sa malakas na buhos ng ulan ay may isang tao ang lumapit sa wala nang buhay na katawan ni Lady Suk Kwon Choi, hindi alintana ng taong ito ang lakas ng ulan, yumuko siya at kanyang hinawakan ang gintong hawakan ng punyal na nakatarak pa din sa dibdib ng nasawing babae ng hari at walang pagdadalawang isip na hinugot niya ito mula sa pagkakatarak, ang dugo na kumapit sa punyal ay nahugasan ng ulan, "ang kapayapaan ng iyong kaluluwa ay aking ipagdarasal." Ang pabulong nitong sabi at kanyang isinara ang mga dilat na mata ng unang babae ng hari.
Ang malakas na ulan nang gabi ding iyon ay umabot din hanggang sa bayan na kinaroroonan na nila Il at Hyun, sa lakas ng ulan ay nagpasya sila na manatili muna sila at maghintay sa pagtila ng ulan sa isang panuluyan, at sinulit na din nila ang gabing iyon upang makapagpahinga dahil sa malayo na rin ang kanilang nilakbay, noong mga sandaling iyon ay tanging ang ingay lamang ng malakas na pagbuhos ng ulan ang madidinig sa silid na inupahan nila Il at Hyun na ang tanging nagbibigay init at liwanag ay ang isang lampara na nakapatong sa isang mesa.
Nakaupo noon sa tapat ng bukas na pinto ng silid si Hyun at pinagmamasdan ang labas ng silid na dinidilig ng malakas na ulan, habang si Il naman ay nakaupo sa isang sulok at nililinis ang kanyang espada, habang nililinis ni Il ang kanyang espada ay nabaling ang kanyang atensiyon kay Hyun na tila nakatingin lamang sa kawalan.
"Iniisip mo ba ang kamahalan?" ang tanong ni Il kay Hyun, at narinig naman iyon ni Hyun kaya naman napatingin din ito sa kanya at agad ding muling ibinalik ang atensiyon sa ulan.
"Hindi ko naman maiiwasan na hindi siya isipin dahil alam kong mas maaari siyang manganib dahil wala ako sa kanyang tabi." Ang tugon ni Hyun at pagkatapos niyang sabihin iyon ay di na niya naiwasan ang mapabuntong hininga pa.
"Kung ganoon pala bakit mas pinili mo na umalis ng palasyo?" ang tanong ni Il na ang tingin ay nasa nililinis na espada.
"Dahil sa tingin ko na masmakakabuti ito?" ang patanong na sabi ni Hyun na para bang di na sigurado kung tama nga ba ang kanyang desisyon na pumayag sa pabor na hiningi sa kanya ni haring Lee Shin.
"Maaari ka namang bumalik kung talagang nag-aalala ka sa kanya at sasabihin ko na lang kay reyna Yon Sang Byeol na hindi kita nagawang kumbinsihin na sumama." Ang sabi ni Il at kanyang maingat na ibinalik sa sisidlan nito ang espada na tapos na niyang linisin.
Isang iling ang itinugon ni Hyun kay Il, "hindi, hindi ako babalik dahil sa may isa akong salita at alam ko na hindi hahayaan ng mahal na hari ang may mangyari sa kanyang reyna, bukod doon ay nais ko din makilala ang taong nais na ipakilala sa akin ni reyn Yon Sang Byeol, may pakiramdam din kasi ako na malaki ang maitutulong ng taong iyon sa akin." Ang sabi ni Hyun bilang tugon din sa iminungkahi ni Il sa kanya.
Kinabukasan sa palasyo ng kaharian ng dinastiyang Lee ay nagimbal ang lahat ng makita ang wala nang buhay na katawan ni Lady Suk Kwon Choi, nang makarating iyon sa maharlikang pamilya ay agad nagtungo ito sa lugar na kinaroroonan ng katawan ng binibini, naroon din noong mga sandaling iyon ang mga ministro at opisyal ng palasyo at mga tagapagsiyasat na siyang mangangasiwa sa imbestigasyon na isasagawa, halos gulat at tinakpan ni prinsipe Hwang ng kanyang mga kamay ang kanyang bibig dahil di siya makapaniwala na may makakagawa ng ganoong kasamang bagay sa loob mismo ng palasyo ng dinastiya.

BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Tiểu thuyết Lịch sử[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...