KABANATA VII: Mga Panangis at Pagdadalamhati

6.4K 249 16
                                    


Sa isang kakahuyan sa labas ng palasyo nakarating ang mamaslang na patuloy pa din sa kanyang pagtakbo, madidinig ang kanyang paghingal sa madilim na kakahuyan, ngunit kahit na halos maubos na ang kanyang lakas sa pagtakbo at halos maubos na ang kanyang hininga sa sobrang hingal ay hindi siya tumitigil upang magpahinga kahit na ilang sandali lamang, sa labas ng kakahuyang iyon ay isang maliit na baryo ang makikita, lahat ng doon ay naninirahan ay mahimbing ng natutulog sa gabing iyon, hindi batid ng mga naroroon ang panganib at takot na parating sa kanila sa gabing iyon.


Sa loob ng palasyo, sa templo nito ay tuluyan na ngang nagapi ng mga kawal kasama si kapitan Taeyang Baeggeum ang lahat ng mamaslang na nagsilbing bantay ng pumaslang sa babaylan, "kapitan! Ang punong babaylan! Ang punong babaylan! Wala na ang punong babaylan!" ang malakas na sigaw ng isa sa kawal na nagmula sa bahay dalanginan, at humahangos itong lumapit kay kapitan Taeyang Baeggeum, at muling inulit ang kanyang sinabi, nang madinig iyon ng kapitan ay nakaramdam ito ng malaking pagkabigla, agad siyang tumakbo patungo sa loob ng bahay dalanginan kasunod ang ilan pang mga kawal.


Sa pagpasok pa lang ni kapitan Taeyang Baeggeum ay natanaw na niya agad ang punong babaylan na nakahandusay na sa sahig ng bahay dalanginan at naliligo sa sarili nitong dugo, halos manlambot ang tuhod ng kapitan, halos parang ayaw na niyang humakbang pa palapit sa katawan ng punong babaylan ngunit pinilit niya ang kanyang sarili, at nang makalapit siya ay doon niya nakita ang kalunos-lunos na sinapit ng punong babaylan, "nabigo ako na iligtas ka, patawadin mo ako mahal na punong babaylan, oh mahabaging langit ako'y inyong patawarin sa aking pagiging huli sa pagdating." Ang pabulong na sabi ni kapitan Taeyang Baeggeum, tuluyan na siyang napaluhod habang pinagmamasdan ang wala nang buhay na babaylan sa kanyang harapan.


"Kapitan, nasuyod na po ng mga kawal ang buong paligid at wala nang mga mamaslang ang nakita." Ang sabi ng isang kawal na dumating sa loob ng bahay dalanginan upang magbalita.


"Hindi pa, hindi pa natin napapaslang lahat, may natira pa sa kanila, at siya ang gumawa nito sa punong babaylan." Ang sabi ni kapitan Taeyang Baeggeum na banaag sa mukha ang pagiging seryoso nito at may pagkamuhi sa gumawa ng karumaldumal na pamamaslang na iyon, tumayo ito mula sa kanyang pagkakaluhod at hinarap ang mga kawal na nasa loob ng bahay dalanginan, "bantayan ang lahat ng tarangkahan ng palasyo at iba pang maaaring maging daan palabas ng palasyo, suyudin ang lahat ng sulok, ipagbigay alam din ito sa iba pang kapitan ng mga kawal, at iparating din ito sa mga nakatataas, sa oras na mahuli niyo ang natitirang salarin huwag niyo siya agad papaslangin dahil aalamin ko mula sa kanyang bibig kung sino ang nag-utos sa kanya nito." Ang dagdag na sabi ni kapitang Taeyang Baeggeum.


Naging mabilis ang pagkilos ng mga kawal sa loob ng palasyo, ang ibang kawal naman ay lumabas sa palasyo sakay ng mga kabayo upang maghatid ng balita at ipagbigay alam sa mga opisyal at nakatataas ang naganap na pagpaslang sa punong babaylan.


Sa loob ng silid ng punong babaylan ay nananangis pa din si Lady Park Dal, patuloy ang kanyang pagluha sa isang sulok kung saan siya nanatili habang nagkakaroon ng kaguluhan sa labas at habang alam niya na may masama nang nangyari sa punong babaylan na kanyang hinangaan at minahal bilang guro at ikalawang ina, nang hindi na niya marinig ang ingay sa labas ay lumuluha at halos nanghihina siyang tumayo sa kanyang kinauupuan, agad niyang nilapitang ang itim na tukador na may gintong mga disensyo ng mga bulaklak, at tulad ng hinabilin sa kanya ng punong babaylan ay kinuha niya mula doon ang isang kasulatan na nakapangalan kay haring Yang Jong, nang makuha niya ito ay niyakap ni Lady Park Dal ang kasulatan at muling nagdalamhati at nanangis dahil sa alam niyang wala na ang punong babaylan, wala na ang kanyang guro, wala na ang itinuturing niya na ikalawa niyang ina.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon