KABANATA IX: Si Prinsipe Hwang, si Kapitan Hyun, at si Prinsipe Lee Shin

5.6K 222 13
                                    


Anim na buwan bago ang ika-labing walong kaarawan nila prinsesa Bong at prinsipe Hwang, araw iyon ng tagsibol kung saan ang bawat halaman at punong namumulaklak ay sagana sa magaganda nitong bulaklak na ang iba'y tinatangay pa ng hangin ang mga talulot, sa araw ding iyon ay nagkaroon ng masiyang pagdiriwang sa buong kaharian at maging sa bayan bilang pasasalamat sa magagandang tinatamasa na biyaya ng buong kaharian.


Noong umagang iyon ay dumating sa loob ng hardin si Hyun galing sa templo na may dala-dala na nakabalot sa isang magandang tela, nakangiti siyang sinalubong ni prinsipe Hwang na talagang hinihintay ang kanyang pagbabalik, simula nang magbinata sila Hyun at prinsipe Hwang ay di na nagawa pa nilang makalabas ng hardin na iyon dahil na din di na din sila kakasya sa butas na nagsisilbing lagusan nila, ngunit dahil si Hyun ay kapitan na ng palasyo na nakatalaga sa hardin ay malaya na siyang maglabas masok sa loob ng hardin at palasyo hindi tulad ni prinsipe Hwang na ang tanging magagawa lamang ay ang manatili na lamang muli tulad ng dati sa loob ng lihim na hardin, at dahil sa alam ni Hyun na nalulungkot ang prinsipe sa tuwing aalis siya para lumabas sandali ay di niya nakakalimutan na magdala ng regalo para sa mahal na prinsipe.


"Mukhang natagalan ka ngayon ah?" ang bungad na sabi ni prinsipe Hwang.


"Pasensiya na, medyo abala kasi ngayon ang buong palasyo maging sa templo para sa pagdaraos ng pasasalamat para magagandang biyaya ng langit sa ating kaharian, kaya naman si Lady Park Dal ay hinintay ko pa na matapos sa kanyang panalangin.


"Ganoon ba, napansin ko nga na nitong mga nagdaang araw ay bihira na bumisita sa akin si Lady Park Dal." Ang sabi naman ni prinsipe, "pero teka ano naman iyang dala mo na nakabalot pa?" ang usisa ni prinsipe Hwang nang mapansin niya ang dala-dala ni Hyun.


"Ah heto ba?" ang sabi ni Hyun at bahagyang iniangat ang dala niya, "nagdiriwang ang kaharian para sa pasasalamat sa langit kaya naman tiyak na magiging masaya ang bayan mula sa umaga na ito lalo na sa pagsapit ng gabi." Ang dagdag na sabi ni Hyun.


"Ano naman ang kinalaman ng dala-dala mo sa pagdiriwang na gaganapin at sa bayan?" ang tanong ni prinsipe Hwang na tila bahagyang naguluhan sa sinabi ni Hyun.


"Naisip ko lang kasi na matagal-tagal na din simula noong makalabas ka dito at makarating sa bayan kasama ako, kaya heto dinala koi to para sa iyo." Ang sabi ni Hyun at iniabot sa prinsipe ang dala-dala na nakabalot sa tela, agad itong kinuha ni prinsipe Hwang at kanya itong binuksan.


"Sandali lamang mga kasuotan ito ah." Ang sabi ni prinsipe Hwang nang makita niya kung ano ang dala ni Hyun, "mga kasuotan na para sa lalaki, pero Hyun ano ang kinalaman nito sa pagdiriwang na meron sa araw na ito?" ang sabi ni prinsipe Hwang na tila mas naguluhan pa.


"Nais ko na dalhin muli kita sa labas nitong kaharian, nais ko na makita mo muli kahit isang buong araw lamang ang labas ng hardin na ito." Ang nakangiting sabi ni Hyun, at nang madinig iyon ni prinsipe Hwang ay hindi niya mapigilan na ngumiti at itago ang sobra nitong kagalakan.


"Talaga Hyun totoo bay an? Totoo ba na makakabalik ako muli sa bayan?" ang masayang masaya na sabi ni prinsipe Hwang.


"Oo Hwang, totoo ang aking sinabi, ang totoo kaya ako natagalan ay lihim kong hiningi sa hari at reyna ang pagpayag nila sa pangako na hindi kita hahayaang mapahamak at ibabalik kita dito sa hardin bago matapos ang araw na ito, at ganoon din naman ang ginawa ko sa templo hiningi ko rin ang permiso ni Lady Park Dal, at tulad ng mga kamahalan ay pumayag siya, kaya naman bumili ako ng iyong isusuot sa paglabas mo dito sa hardin." Ang masayang sabi ni Hyun.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon