Sakay ng isang kariton ang katawan ni prinsipe Hwang at tinakpan ng malinis na putting katyang tela, ang nagdadalamhating si Chun-Jun at isa pang kawal ng prinsipe ang siyang naatasan na humila sa karitong iyon patungo sa daungan ng malaking bangka na kanila ding sasakyan para itapon at palubugin ang katawang ng prinsipe sa lawa ng Cheongdong, at siya ding maghahatid sa kanila sa bayan ng Eudonn San kung saan sila mamamalagi bilang pangkaraniwang mamamayan. Habang hinihila nila Chun-Jun ang kariton ay nakasunod naman sa kanila sila Lady Bam Sam at iba pang tagapaglingkod at kawal ng mahal na prinsipe Hwang na nagdadalamhati din, maririnig pa ang ilan na sinasambit at tinatawag ang pangalan ni prinsipe, kasunod nila ang mga kawal ng palasyo ng dinastiyang Lee na siyang magsisilbing bantay at tagapaghatid nila hanggang sa bayan ng Eudonn San.
Sa kanilang pagdaan sa bayan ay nagtipon ang mga mamamayan ng kaharian sa gilid ng daan, ngunit sa halip na pangungutya o ano mang masasamang salita ang sambitin ng mga ito patungkol sa mahal na prinsipe ay mga salita ng pakikidalamhati ang sinambit ng mga ito, marami rin ang umiyak sa mga ito para sa mahal na prinsipe Hwang, patunay lamang na minahal ng tao ang reyna na kanilang nakilala, patunay lamang na naabot ng mahal na prinsipe ang puso ng mga ito.
"Kamahalan! Bakit kailangan ninyong sapitin ang kamatayang ito?" ang sigaw ng isang naghihinagpis na babae.
"Mahal na reyna!" ang pagtawag naman ng iba pang mga mamamayan ng kaharian, halos iyak ng mga mamamayan ang madidinig sa buong bayan ng kaharian ng dinastiyang Lee, tila ba ang masayang kaharian na iyon ay tulad na din sa kaharian ng Suzaku na binalot ng kalungkutan at kadiliman.
Noong mga sandaling iyon ay nasa hardin ng tahanan ng reyna si haring Lee Shin, nakatayo lamang siya roon habang pinagmamasdan ang kalangitang binabalot ng makakapal at maiitim na ulap, sa kanyang likuran naman di kalayuan sa kanyang kinatatayuan ay nakatayo lamang at pinagmamasdan ang mahal na hari ni ginoong Shen, may mga sandaling maririnig ang pagbubuntong hininga ng hari at mararamdaman sa pananahimik nito ang kalungkutan ng kanyang puso.
Nang makarating na sa daungan ng bangkang sasakyan sila Chun-Jun ay maingat nilang binuhat ang katawan ni prinsipe Hwang at isinakay sa bangka, maingat nila itong inilapag sa pinaka nagsisilbing sahig ng bangkang iyon, matapos noon ay isa-isa at tahimik na sumakay ang lahat, nang makasakay na ang lahat ay huling sumakay ang dalawang kawal ng palasyo ng dinastiyang Lee habang ang ibang kasama nitong kawal ay nakapagtatakang nagpaiwan.
Sa paglayo ng bangkang kanilang sinasakyan sa daungang, nanatiling nagdadalamhati sila Chun-Jun para dito habang ang dalawang kasama nila ay walang emosyon na nakatanaw sa malayo, noong mga sandaling iyon ay wala na ding pakialam sila Chu-Jun kung saan man sila dadalhin noon dahil sa labis din nilang sinisisi ang kanilang mga sarili dahil wala man lamang silang nagawa upang iligtas ang mahal na prinsipe sa kamatayan nito.
Matagal na din ang oras na lumipas simula noong makalayo sila sa daungan na kanilang pinanggalingan at nakakatiyak si Chun-Jun noon na ilang sandali na lamang ay mararating na nila ang gitna ng malaking lawa na iyon ng Cheondong pero nagtataka siya na kahit isa sa dalawang kawal na kasama nila ay walang kumikilos upang talian ang mga paa ni prinsipe Hwang ng pabigat na siyang magpapalubog sa katawan nito sa oras na itapon na ito sa lawa, inilibot ni Chun-Jun ang kanyang mga mata sa bangkang kanilang sinasakyan at mas nagtaka siya nang wala siyang makitang ano mang malaking bato na may lubid, noong mga sandaling iyon ay magtatanong n asana si Chun-Jun nang biglang ibahin ng isa sa kawal na kasama nila ang direksiyong tinatahak ng bangkang kanilang sinasakyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/35639006-288-k952182.jpg)
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...