Sa kanyang paglabas sa lihim na hardin ng palasyo bilang si prinsesa Bong ay agad siyang sinalubong ng mga kawal at tagapaglingkod ng palasyo na nasa labas lamang nito, yumuko ang mga ito upang magbigay pugay at paggalang sa kanya, sa unang pagkakataon ay naranasan ni prinsipe Hwang ang ganoong klase ng pagtanggap mula sa palasyo.
Sa kabilang banda naman ay pilit namang ikinukubli ni Lady Shang ang kanyang pagkabigla nang makita niya ang prinsesa na tila wala nang karamdaman, lingid sa kanyang kaalaman na at sa lahat ng naroon na ang prinsesa Bong na kaharap nila ay ang kakambal nitong si prinsipe Hwang, labis na nagtataka si Lady Shang kung paanong ang kanina laman ay halatang halata na nanghihinang prinsesa ay ngayon ay masigla na at tila walang iniindang karamdaman ng dahil sa lason na lihim niyang inihahalo sa pagkain at inumin nito.
Si Hyun naman ay nakatayo lamang sa tabi ni prinispe Hwang, tahimik na nagmamasid sa mga kawal at tagapaglingkod na nasa harapan nila ngayon, ilang sandali pa ay isinara na ng nila Chun-Jun muli ang entrada ng lihim na hardin habang si Hyun naman ay pasimpleng pinagmasdan ang mukha ni prinsipe Hwang, nakita niya rito ang pagdadalamhati na pilit na ikinukubli nito sa mga ngiti at ang pagnanais na mabigyang katarungan ang pagkamatay ng kanyang kapatid na prinsesa.
"Mahal na prinsesa masaya kaming malaman na mabuti ang inyong kalagayan." Ang masayang sabi ni ginoong Han Zo na kanina lamang ay punong puno ng pag-aalala at isang pag ngiti lamang ang itinugon ni prinsipe Hwang sa ginoo.
"Ako'y inyong patawarin kong nagdulot man ako ng pag-aalala sa inyo, humihingi ako ng kapatawaran lalo na sa aking amang kamahalan at inang reyna dahil sa pangamba na aking idinulot, dahil ang totoo'y nagkaroon lamang kami ng isang mahalagang pag-uusap sa loob ng lihim na hardin." Ang sabi ni prinsipe Hwang na gamit ang boses ng yumao niyang kapatid, nang marinig ito nila Hyun, ng mahal na haring Yang Jong, reyna Yang Geum, doktor Baek, at nars Soo Mae ay nabigla sila dahil di nila inaasahan na kayang gayahin ni prinsipe Hwang ang boses ni prinsesa Bong kaya naman tila ang pakiramdam nila ay ang yumaong prinsesa ang kanilang kaharap at hindi si prinsipe Hwang.
"Nagkaroon po kayo ng pag-uusap?" ang tanong ni ginoong Han Zo dahil sa di pa kilala ni prinsipe Hwang si ginoong Han Zo ay pasimpleng pumunta sa likod ng prinsipe si Hyun at ibinulong niya sa prinsipe ang pangalan ni ginoong Han Zo.
"Oo ginoong Han Zo, nagkaroon lang kami ng pagpupulong, humiling kasi ako sa aking amang hari at inang reyna na pahintulutan akong baguhin ang ilang mga bagay bagay sa loob ng palasyo sa araw na ito, at sa kabutihang palad ay pinayagan naman nila ako." ang sabi ni prinsipe Hwang na gamit pa rin ang boses ng yumaong kakambal na prinsesa.
"Ano po namang klase ng pagbabago iyon mahal na prinsesa?" ang tanong naman ni Lady Yuno, at muli ay ibinulong ni Hyun kay prinsipe Hwang ang pangalan ni Lady Yuno.
"Lady Yuno, sa bulwagan ng hari ko na lamang ilalahad ang tungkol sa aming napag-usapan, ngunit sinisigurado ko na isang malaking pagbabago ang magaganap pagkatapos ng araw na ito, kaya naman inaasahan ko at ng aking amang hari at inang reyna ang pagdalo ng lahat ng opisyal, tagapaglingkod at maging mga kawal ng palasyo na ipapatawag sa bulwagan ng hari." Ang pagtugon naman ni prinsipe Hwang kay Lady Yuno.
"Mabuti pa ginoong Han Zo, inyo nang asikasuhin ang pagpapatawag sa mga opisyal, tagapaglingkod, at piling kawal ng palasyo, kapitan Taeyang Hyun ikaw naman ang bahalang umalalay sa mahal na prinsesa pabalik sa kanyang tahanan upang makapaghanda." Ang utos ni haring Yang Jong sa mga ito, agad namang yumuko sila Hyun at ginoong Han Zo bilang tugon na nagpapakita ng kanilang pag sang-ayon sa utos na iyon ng hari.
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...