KABANATA XXXII: Paglisan

3.2K 145 21
                                    


Gabi nang parehong araw kung kailan nakabalik sa kaharian ng dinastiyang Lee ang pangkat nila prinsipe Hwang at ang siyang araw din kung kailan nagkausap sila haring Lee Shin at Hyun, noong gabing iyon ay magkasama sila Hyun at Chun-Jun na nag-iikot sa buong paligid ng tahanan ng reyna at sa saklaw na bahagi nito ng palasyo, sa mga oras na iyon ay tahimik lamang si Hyun na tila malalim ang iniisip, napansin iyon ni Chun-Jun at alam din niya na sa tuwing nagkakaganoon si Hyun ay iisang tao lamang ang dahilan nito, si prinsipe Hwang.


"Punong kapitan, huwag mo sanang mamasamain ang aking itatanong." Ang sabi ni Chun-Jun habang patuloy sila sa kanilang paglakad at pagmamasid sa paligid.


"Ano naman iyon kapitan Chun-Jun?" ang patanong na tugon ni Hyun na hindi ibinabaling ang tingin sa kasama.


"May nangyari na naman bang problema punong kapitan? Ang ibig kong sabihin ay problema na patungkol sa kamahalan." Ang tanong ni Chun-Jun kay Hyun, nang marinig ni Hyun ang tanong na iyon ng kapitan ay huminto siya sa kanyang paglakad at ganoon din si Chun-Jun, tumingin Hyun sa kanya na tila sinusuri kung seryoso ang kasamang kapitan sa tanong nito.


"Wala namang problema kapitan Chun-Jun." ang pagsisinungaling na sagot ni Hyun sa tanong sa kanya ni Chun-Jun, "at tiyaka paano mo naman nasabi na may problema?" ang tanong ni Hyun na maglalakad na sana upang bumalik sa kanilang ginagawang pag-iikot at pagmamasid sa paligid ng tahanan nang magsalita si Chun-Jun sa seryosong tono.


"Punong kapitan alam ko na may problema, batid ko iyon sa tuwing nagkakaganyan ka, at alam ko na ang tanging dahilan lamang pag nagkakaganyan ka ay ang kamahalan, matagal na tayong magkasama sa paglilingkod sa kaharian ng Suzaku, at kung aalisin natin ang ranggo na siyang naglalagay ng tila hati sa pagitan natin, ay masasabi ko na matagal na din tayong magkaibigan, kaya naman kabisado na kita punong kapitan." Ang sabi ni Chun-Jun, at muli ay ibinaling ni Hyun ang kanyang atensiyon sa kasamang kapitan na tila bahagyang naging seryoso, at ngumiti ng bahagya si Hyun upang pagaanin ng bahagya din ang sitwasyon.


"Kahit kailan kapitan Chun-Jun hindi ko itinuring na mataas ako sayo o mababa ka sa akin, dahil sa lahat ng pagkakataon ay isang kaibigan ang tingin ko sa iyo, ngunit hindi lamang basta isang kaibigan kundi isang matalik na kaibigan." Ang sabi ni Hyun.


"Kung ganoon naman pala punong kapitan bakit di mo sabihin sa akin kung ano ang problema mo ngayon? Gusto ko din makatulong sa sitwasyon ninyo, matagal niyo nang tinitiis ang pagiging malayo niyo sa isa't isa kahit na magkasama lamang kayo dito sa loob ng palasyong ito." Ang sabi ni Chun-Jun na mas naging seryoso at napabuntong hininga na lamang si Hyun dahil sa tingin niya'y wala na ngan siyang magagawa pa upang maglihim sa kasamang kapitan na itinuturing niyang matalik na kaibigan.


"Oo na sige na magsasalita na ako, sasabihin ko na sayo kung ano ba ang dahilan bakit ganito na naman ako." ang sabi ni Hyun, "tama ka nagkakaganito ako dahil sa kanya, bukod doon ay di ko inaasahan ang paghingi sa akin ng mahal na hari ng isang pabor." Ang dagdag na sabi ni Hyun bilang pag-amin.


"Isang pabor? Ibig mong sabihin kinausap ka kanina ng hari ng kayo lamang dalawa dahil sa nais niyang humingi ng isang pabor?" ang patanong na sabi ni Chun-Jun na tila bahagyang nabigla sa kanyang nalaman, napatalikod sa kanya si Hyun at tumingin ito sa maliwanag at bilog na buwan sa kalangitan noong gabing iyon, kasabay noon ay isang malamig na hangin ang umihip na mas nagdagdag ng seryosong pakiramdam noong mga sandaling iyon.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon