Noong gabi din ng kaarawang iyon ni prinsipe Hwang ay may isang ginoo ang humahangos ang patuloy na tumatakbo sa loob ng isang madilim na kakahuyan sa labas ng kaharian, mabilis ang pagtibok ng puso ng ginoo dahil sa takot na bumabalot sa kanya sa mga oras na iyon, takot na hatid ng kamatayang tila patuloy na humahabol sa kanya.
Bagama't hingal na hingal na ang ginoo ay walang tigil pa din ito sa pagtakbo upang matakasan lamang ang humahabol sa kanya, di niya ininda ang bawat pagkadapa dahil sa mabilis nitong pagbangon, di niya inalintana ang mga sangang pumupunit sa kanyang kasuotan at sumusugat sa kanyang mga balat.
"Tulungan niyo ako! Pakiusap! Tulungan niyo ako!" ang sigaw ng ginoo na tila tuluyan nang nilamon ng kanyang takot, ang kanyang pagsigaw ng paghingi ng tulong ay tila naging sigaw ng pagkadesperado, ang sigaw ng ginoo ay umalingawngaw lamang sa kakahuyang iyon ngunit makagayunman ay patuloy pa rin siya sa pagsigaw, nagbabakasakaling may darating para siya'y tulungan.
Patuloy lamang siya sa kanyang pagtakbo at pagsigaw, ibinubuhos na niya ang lahat ng kanyang lakas, ngunit sa hindi inaasahan ay dinala siya ng kanyang pagtakbo sa isang bahagi ng kagubatan kung saan hindi na niya magagawa pang makatakas sa humahabol sa kanya, dahil humantong ang kanyang pagtakbo sa isang bangin na kung saan ang nasa ibaba ng bangin ay isang ilog na malakas ang pagdaloy, magtatangka pa sana siyang bumalik upang makahanap ng ibang daan ngunit mula sa kadiliman ng kakahuyan ay lumabas na ang kanyang kinatatakutan.
"Pinagod mo pa ako sa paghabol sayo doktor So, alam mo bang mas naiinis ako sa mga ganoong tao." Ang sabi ng lalaking kaharap ng ginoo na si doktor So.
"Ka-ka-kapitan Bok Jin, maawa ka, handa akong magbayad huwag mo lamang akong paslangin, pakiusap hayaan mo akong mabuhay." Ang pagmamakaawa ng doktor sa lalaking kaharap na si kapitan Bok Jin na hinugot ang espada niya sa sisidlan nito.
"Ha-ha-ha hindi ko akalain doktor na magaling ka rin pa lang magpatawa, inaakala mo ba na masisilaw mo ako sa kakarampot na halagang maibibigay mo sa akin? Mas malaki ang aking makukuha kung tatapusin kita tulad ng utos sa akin ni punong ministro Kim, huwag kang mag-alala tiyak na ipapasunod din ng punong ministro at ng mga ministro si Lady Shang na hindi din nagtagumpay sa pinapagawa sa kanya, pareho kayong mga basura na dapat na linisin." Ang sabi naman ni kapitan Bok Jin na nakangisi at hindi kakakitaan ng pagkaawa para sa doktor.
"Bakit? Ginawa ko naman ang nais ninyo, wala akong balak na ibunyag ang lahat ng kasamaan na ginagawa ng punong ministro at ng mga kapanalig nito, kaya pakiusap huwag mo akong paslangin kapitan, hayaan mo akong manatiling buhay." Ang pakikiusap ni doktor So.
"Tanging ang punong ministro lamang ang makakapagsalba sa iyo pero sa kasawiang palad tayong dalawa lamang ang naririto, kaya paalam sa iyo doktor So." Ang sabi ni kapitan Bok Jin at agad na isinaksak ng kapitan ang kanyang espada sa sikmura ng doktor at mabilis na hinugot, napaatras ang doktor sa gulat nito, lumabas ang dugo sa kanyang bibig at ilang sandali pa ay nahulog ito sa bangin at dumiretso sa ilog na nagngangalit ang pag-agos nito.
Nang malaglag ang doktor mula sa bangin ay sinilip pa ito ni kapitan Bok Jin upang siguruhin na hindi nga ito nakaligtas pa, ngunit sa dilim na din at sa lakas ng paglagaslas ng tubig dahil sa lakas ng agos ng ilog at idagdag pa ang lamig ng tubig nito dahil sa panahon ng taglamig noon ay natiyak ng kapitan na hindi na makakaligtas dito ang doktor, at ilang sandali pa siyang nanatili doon sa banging at pagkatapos ay nagpasiyang umalis na upang mag-ulat sa punong ministro dahil sa matagumpay niyang nagawa ang pinapagawa nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...