Madaling araw nang maalimpungatan sa kanyang pagtulog si prinsipe Hwang, pinakinggan at pinakiramdaman niya ang labas ng kanyang toldang kinaroroonan, payapa ang madaling araw na iyon, may mga kuliglig siyang naririnig, at nadidinig din niya ang mga paglagutok ng mga kahoy na ginamit ng mga kawal sa paglikha ng apoy, babangon na siya sa kanyang higaan noon ng maramdaman niyang may paparating at papalapit ito sa kanyang tolda kaya hinintay niya ang taong ito, kaya naman nagpanggap siyang antutulog upang malaman kung sino ang taong iyon, ilang sandali pa ay naramadaman niya na pumasok ang taong ito sa kanyang tolda at palapit ito sa kanya, mayamaya pa ay naramdaman niya na itong nakatayo malapit sa kanya at naramdaman niya itong lumuhod upang bahagyang bumaba at pagkatapos ay hinaplos siya nito sa kanyang ulo, at noong mga sandaling iyon ay alam na niya kung sino ang taong pumasok sa kanyang tolda, ang taong tinatangi niya, ang taong pinakamamahal niya, si Hyun.
"Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin kung sakaling napahamak ka sa iyong ginawa sa pagharap sa pangkat nila Il para lamang maiwasan ang pagdanak ng dugo, ngunit labis mo akong napahanga dahil simula noong makilala kita hanggang sa mga oras na ito ay hindi nabago ng mga pangyayari sa buhay mo ang kagandahan at kabutihan ng iyong puso." Ang pabulong na sabi ni Hyun habang patuloy niyang hinahaplos ang ulo ni prinsipe Hwang na inaakala niyang natutulog pa din noong mga sandaling iyon.
"Ngunit magpahanggang ngayon ay may bumagabag sa akin, may takot na namamayani sa aking isip at puso, takot na di ko mapaliwanag ngunit pakiramdam ko ay palapit na ito, Hwang mahal ko, ano man ang mangyari sa mga darating na araw nais ko na maging matatag ka, dahil ikaw ang aking bulaklak ng galanthus na nagbibigay sa akin ng pag-asa, at ikaw din ang nagsisilbing bulaklak ng galanthus na nagbibigay ng pag-asa sa lahat." Ang sabi ni Hyun na tila may lungkot sa kanyang mga mata habang sinasabi ang mga iyon ngunit agad din siyang ngumiti nang matitigan niya ang kalmadong mukha ni prinsipe Hwang.
Tumigil sa paghaplos ng ulo ni prinsipe Hwang si Hyun, pagkatapos noon ay hinalikan niya ang noon g nagtutulogtulugang prinsipe, tumayo siya mula sa kanyang pagkakaluhod at handa na noong umalis upang bumalik sa kanyang pagbabantay nang maramdaman niyang hinawakan ni prinsipe Hwang ang kanyang kamay, napatingin si Hyun kay prinsipe Hwang na noo'y nakadilat na ang mga mata at nakatingin sa kanya.
"Matagal na din simula nang huli kong madinig ang iyong tinig na may paglalambing, matagal na din simula nang huli kong maramdaman ang kamay mong hinahaplos ang aking ulo, maging ang labi mo na dumampi sa aking noo, at bukod doon ay matagal na din simula nang huli kong maramdaman ang init at pakiramdam na mahawakan ang iyong mga kamay, kaya Hyun pakiusap manatili ka na lamang dito dahil sa pagsikat ng araw ay alam kong matatagalan na naman bago ko muli maramdaman ang mga bagay na ito." Ang malambing na sabi ni prinsipe Hwang, tumingin si Hyun sa mga mata ni prinsipe Hwang, nakita ni Hyun ang pangungulila ng prinsipe sa kanya kaya naman isang ngiti at tango ang kanyang itinugon sa prinsipe, tanda ng pagpayag niya sa nais ni prinsipe Hwang.
Magkatabi na noong nakaupo sa higaan ni prinsipe Hwang silang dalawa ni Hyun, magkahawak ang mga kamay at parehong nakangiti na tila ba masayang masaya noong mga sandaling iyon, tila walang nais ang magsalita sa kanilang dalawa at ang nais lamang ay sulitin ang mga oras na magkasama sila, inihilig ni prinsipe Hwang ang kanyang ulo sa balikat ni Hyun at mas gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
"Kung ganoon ay kanina ka pa gising?" ang tanong ni Hyun kay prinsipe Hwang upang basagin ang katahimikan.
"Oo, nadinig ko lahat ng iyong sinabi." Ang sabi ni prinsipe Hwang bilang tugon.
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...