KABANATA XLII: Ang Sagradong Ibon ng Alab

5K 172 31
                                    


Ipinagluksa ng buong palasyo ng dinastiyang Lee ang pagpanaw ng mahal na inang reyna, ang mga tagapaglingkod ng mahal na inang reyna ay nanatiling tikom ang bibig patungkol sa mga nangyari bago matuklasan ang wala nang buhay na katawan ni inang reyna Lee Hanna, ang pagkamatay na iyon ng mahal na inang reyna ay siya ding nagpahina sa kalooban ni Lady Kim Eun Ro dahil maliban sa inang reyna ay alam niyang wala na siyang maaari pang magamit upang mapanghawakan si haring Lee Shin, noong mga sandaling iyon ay nasa loob siya ng kanyang silid at tila malalim ang kanyang iniisip habang nakaharap sa malaking salamin sa kanyang tukador.


"Hindi maaari ito, sinong pangahas ang maglalakas loob na gawin ito sa mahal na inang reyna, sinong pangahas ang sumira sa lahat ng aking mga binabalak?" Ang sabi ni Lady Kim Eun Ro na kinakausap ang kanyang sariling repleksiyon sa salamin na punong puno ng galit, nang biglang madinig niya ang pagbukas ng pinto ng kanyang silid, at pumasok sa kanyang silid si Lady Chil Yon Yi, "ikaw? Anong ginagawa mo rito? Paano na agad kang nakapasok na hindi man lang ipinaaalam sa akin ng mga tagapaglingkod ko?" ang tanong ni Lady Kim Eun Ro na napatayo mula sa kanyang pagkakaupo.


"Bakit Lady Kim Eun Ro? May dapat ka bang ikatakot?" ang tanong sa kanya ni Lady Chil Yon Yi na hindi nagpapasindak kay Lady Kim Eun Ro.


"Ano bang sinasabi mo? Bakit naman ako matatakot sa iyo? Ikaw ang dapat na matakot sa akin dahil sisiguruhin ko na mapupugutan ka ng ulo sa oras na mahirang na akong reyna ng kahariang ito." Ang sabi ni Lady Kim Eun Ro.


"Maging reyna? Hindi ka karapatdapat na tanghaling reyna, lalo na at iyang kamay mo ay nababahiran na ng dugo ni Lady Suk Kwon Choi na iyong pinaslang." Ang sabi ni Lady Chil Yon Yi, nang madinig iyon ni Lady Kim Eun Ro ay napaatras ito at bahagyang nakaramdam ng kaba dahil di niya inaasahan na ang inaakala niyang mahina at tatahitahimik na babae ng hari na kanyang kaharap ay may itinatago pa lang tapang at bukod doon ay alam nito ang lihim na kanyang tinatago.


"A-a-a-ano bang sinasabi mo, nagpapatawa ka ba? Hi-hindi ba ang huwad na reyna ang siyang pumaslang kay Lady Suk Kwon Choi, kaya naman huwag mo akong patawanin dahil nandoon ako noong pinaslang niya si Lady Suk Kwon Choi." Ang sabi ni Lady Kim Eun Ro bilang pagmamaang-maangan.


"Oo tama ka nandoon ka nga noon, at nandoon rin ako noon, at hindi ang reyna ang nakita kong pumaslang kay Lady Suk Kwon Choi, nakita ko ang lahat Lady Kim Eun Ro, nakita ko kung paano mo siya paslangin, nakita ko kung paano siya namatay." Ang sabi ni Lady Chil Yon Yi at halos manghina ang tuhod ni Lady Kim Eun Ro nang madinig niya ang mga sinabing iyon ng babaeng kanyang kaharap.


"Hindi, hindi totoo yan, at kung totoo nga na naroon ka bakit hindi mo ako isinuplong? Bakit hinayaan mo na mamatay ang sinasabi mong mahal na reyna?" ang sabi ni Lady Kim Eun Ro na pilit na tinatago ang takot na kanyang nararamdaman, pinilit niyang itindig ang kanyang sarili upang ipakita nito kay Lady Chil Yon Yi na wala siyang takot na nararamdaman.


"Sino naman ang nagsabi sa iyo na hindi kita isinuplong? Ikaw na rin ang nakapansin na walang tagapaglingkod mo ang siyang nagsabi sayo patungkol sa aking pagdating, dahil wala na ang mga tagapaglingkod mo, ipinag-utos ng hari na alisan ka na ng mga tagapaglingkod sa kadahilanang alam ng mahal na hari ang katotohanan." Ang sabi ni Lady Chil Yon Yi bilang pagtugon kay Lady Kim Eun Ro.


"Anong ibig mong sabihin, ikaw, ang lakas ng loob mo." Ang sabi ni Lady Kim Eun Ro na hindi na naitago pa ang matakot nang malaman niyang alam na ni haring Lee Shin ang katotohanan.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon