Hinayaan lamang ni Hyun ang prinsipe sa kanyang pag-iyak noong gabing iyon, alam niya at nauunawaan niya ang sakit na nararamdaman ni prinsipe Hwang, walang ayos sa pagkawala ng isang mahalagang tao kaya hindi din niya masabi na ayos lamang iyon, alam ni Hyun na kailangan din ni prinsipe Hwang na ibuhos sa pag-iyak nito ang sakit at lungkot na nararamdaman nito, kaya walang nagawa si Hyun kundi ang manatili sa tabi ni prinsipe Hwang, hayaan ito sa kanyang pag-iyak, at pakinggan ang pagdadalamhati nito hanggang sa makatulog na muli ng tuluyan ang prinsipe.
Nang makatulog si prinsipe Hwang ay agad na inayos ni Hyun ang prinsipe, inalis niya ang braso nito na nakatakip sa mga mata at pinunas ang mga luha, "patawadin mo ako Hwang kung wala man lamang akong magagawa para pawiin ang sakit ngunit pangako na di ka mag-iisa hangga't nandito ako sa tabi mo, sana sa muli mong paggising ay muli kong makita ang masayang Hwang na nakilala ko." Ang sabi ni Hyun at kanya itong kinumutang mabuti.
Ilang sandali pa ay pumasok sa silid na iyon si kapitan Taeyang Baeggeum, agad na tumayo si Hyun nang makita niya ang muling pagdating ng kanyang ama na lumabas din agad ng maihatid sa loob ng silid ang prinsipe, "kamusta na ang mahal na prinsipe?" ang tanong nit okay Hyun.
"Malungkot pa din po, nang magkamalay siya ay tanging pag-iyak lamang ang kanyang ginawa ama." Ang tugon naman ni Hyun sa tanong ng kanyang ama sa malungkot na tono.
"Inaasahan ko na din iyan, sobrang malapit ang mahal na prinsipe sa punong babaylan at ganon din ang punong babaylan sa kanya, at alam din iyon ng hari't reyna, maging ng kanyang kakambal na mahal na prinsesa, pero naniniwala naman ako na kakayanin ito ng mahal na prinsipe naniniwala ako dahil sa pinalaki siyang malakas at matalino ni Lady Shin Bae." Ang sabi ni kapitan Taeyang Baeggeum.
"Naniniwala din po ako ama na malalampasan niya ito." Ang sabi naman ni Hyun at napatingin siya sa mahal na prinsipe na mahimbing na ntutulog.
"Pero siya nga pala bakit narito ka hindi ba't ang bilin ko ay ihatid lamang siya?" ang tanong ng kapitan sa anak nito.
"Ah kasi ama hindi ko maiwan ang mahal na prinsipe lalo na nung nalaman ko na mag-isa lamang siya sa mga oras na ito kaya naman sumama na ako sakanya hanggang dito." Ang sabi naman ni Hyun bilang tugon.
"Ganon ba, kung ganon Hyun ay maaari ka nang bumalik sa ating tahanan at magpahinga ka na rin, masiyado na ding naging mahaba ang araw na ito para sa iyo, hayaan mong ako na ang..." ang hindi natuloy na sabi ni kapitan Taeyang Baeggeum nang makita niya ang biglang pagiging seryoso ng mukha ni Hyun.
"Ama hayaan niyo po muna akong manatili dito, nakikiusap po ako, hayaan niyo na bantayan ko muna siya ama." Ang sabi ni Hyun at tumingin ang kanyang ama sa kanyang mga mata.
"Pero Hyun anak..." ang tanging nasabi ng kapitan.
"Ama nakikiusap po ako, nangako ako sa mahal na prinsipe na babantayan ko siya at mananatili ako sa kanyang tabi, sa ngayon higit niyang kailangan ama ng isang taong masasandalan. Kaya pakiusap ama hayaan niyo na po muna akong manatili dito." Ang sabi ni Hyun bilang pakikiusap sa kanyang ama.
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...