KABANATA XVII: Si Il at ang Samahan ng Tubig Ahas

4.6K 168 9
                                    


"Pinunong Il." Ang pabulong na pagtawag sa binatang patuloy pa din na kumakain, "pinuno..." ang muling pagtawag nito ng pansin ni Il, at si Il naman ay hinigop na lang ang sabaw ng kanyang kinakain.


"Ano ka ba Chan Xiu, hindi mo naman kailangang ulit-ulitin ang pagtawag sa akin, nadidinig kita." Ang sabi ni Il nang matapos na itong kumain at ngumiti ito sa lalaking nakaupo sa harap niya.


"Ikaw talag pinuno basta sa pagkain hindi po kayo matinag." Ang sabi naman ni Chan Xiu bilang tugon.


"Alam mo namang masama ang tinatanggihan ang mga biyaya lalo na ang pagkain." Ang sabi naman ni Il at nagtinga ito gamit ang kanang hinliliit niya, "oh ano na ang ulat na hatid mo, may nalaman k aba na mahalagang bagay?" ang dagdag nitong sabi habang nagtitinga pa din.


"Opo pinuno." Ang muling pabulong na sabi nito, "nalaman ko na ang isa sa mga ministro ng palasyo na pinamamatyagan niyo sa amin na si ministro Tang ay ang ministro na maraming koneksiyon sa iba't ibang samahan ng mga bayarang mamamaslang, at isa na roon ang samahan na kinabibilangan ng taong nabanggit niyo na nagngangalang Jeong-o." ang dagdag pa nitong sabi, at naphinto sa kanyang ginagawa si Il at napatitig kay Chan Xiu at ang mukha nito ay biglang naging seryoso.


"Kung ganoon, nalaman mo ba kung ano ang samahan ng mga bayarang mamamaslang ang ngayon madalas upahan ng sinabi mong ministro?" ang tanong ni Il kay Chan Xiu.


"Sa ngayon pinuno tila hindi madalas na umuupa ang ministro ng mamamaslang, pero pinuno ano po ba ang dahilan bakit tila interesado kayo sa mga ministro ng palasyo? Lubhang makapangyarihan at mapanganib ang mga taong iyon." Ang sabi ni Chan Xiu na tila nag-uusisa na din tungkol sa dahilan ni Il sa pagpapamatiyag niya sa mga ito.


"May utang lamang sila sa akin Chan Xiu na matagal na dapat nilang binayadan, masiyado na ding matagal kaya naman lumaki na ang utang nila, at malapit ng dumating ang panahon ng kanilang pagbabayad." Ang sabi ni Chan Xiu at uminom siya ng tsaa.


"Marahil ay malapit sa iyo ang taong nagngangalang Jeon-o pinuno, nakikita ko sa mga mata mo iyon at nakikita ko din ang pagnanais mo na mapagbayad ang mga ministro na iyong nabanggit sa kanilang sinasabi mong pagkakautang nila sayo." Ang sabi ni Chan Xiu.


"Oo Chan Xiu, hindi ko itatanggi sa iyo na matagal kong hinintay ang paniningil na ito, ayoko mang idamay ka at an gating samahan sa mga pansarili kong kagustuhan na ito ay wala akong magawa dahil alam ko na kayo lang ang makakatulong sa akin ng lubos at sa inyo lamang ako nagtitiwala." Ang sabi ni Il at inabutan niya ng tsaa si Chan Xiu.


"Hindi mo dapat ipag-alala ang bagay na iyan pinuno, dahil ang ano mang suliranin na kahaharapin mo ay kasama mo ako at ang ating samahan sa lahat ng oras, sumumpa kami sa dati naming pinuno na iyong ama na si pinunong Eun Uloe bago ito pumanaw na pangangalagaan ka namin at mananatili kaming tapat sa iyo at sa samahan maging kapalit man nito ay an gaming buhay." Ang sabi ni Chan Xiu at uminom din ito ng tsaa.


"Salamat sa inyo Chan Xiu, sa ngayon ay medyo nalihis ang samahan sa tunay nitong misyon kung bakit ito itinatag ni ama, pero pangako na matapos ko lamang ang paniningil kong ito ay muli tayong babalik sa nasimulan ni ama." Ang sabi ni Il at muling uminom ng tsaa.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon