Sa ikalabing-tatlong araw, nanatiling wala pa ring malay si prinsipe Hwang, sa kanyang tabi naman ay si haring Lee Shin na matiyagang nagbabantay sa kanya, pinupunasan at nililinisan siya ng hari ng walang pagod at sawa sa kabila nang hindi na nito pagtulod mabantayan lamang ang prinsipe, kaagapay ng hari ang tapat niyang tagapaglingkod na si ginoong Shen na siyang nagdadala ng mga kailangan ng hari at mahal na prinsipe.
Noong araw ding iyon, sa kaharian ng Suzaku, dahil sa pag-aalsa at kaguluhan na nagaganap sa kaharian ay nagpasya na si haring Yang Jong na bumaba sa kanyang pagiging hari ng kaharian, nang malaman iyon nila punong ministro Kim ay labis nila iyong ikintuwa, nang mapagtibay ang pasya na iyon ng hari ay walang panlalaban siyang sumama sa mga kawal na dumampot sa kanya na para bang hindi siya nakikilala ng mga ito, at siya ay pansamantalang ipiniit sa loob ng palasyo.
Nagtungo ang pangkat nila punong ministro Kim sa liwasan kung saan nagtitipon ang mga mamamayan ng kaharian ng Suzaku na nag-aalsa at nagnanais na bumaba sa trono nito si haring Yang Jong, doon ay agad silang sinalubong ng mga galit na mamamayan ng paulit-ulit nilang sigaw na patungkol sa pagpapatalsik sa hari sa tronon nito.
"Patalsikin sa trono ang hari!" ang sigaw ng iilan.
"Patalsikin!" ang tugon naman ng kalahatan.
Halos pulit-ulit na ganoon ang sinabi ng mga mamamayan habang sila punong ministro Kim ay tila nakikinig sa isang musika sa mga naririnig nilang iyon na sigaw ng mga mamamayan, inilibot nila ang kanilang mga mata sa mga taong naroon, pagkatapos noon ay bahagyang itinaas ni punong ministro Kim ang kanyang dalawang kamay bilang pagsenyas sa mga ito na pansamantalang kalmahin ang kanilang mga sarili at magbigay ng sandaling katahimikan, nakuha naman agad ng mga tao ang nais ng punong ministro at para bang mga utusan sila na sumunod agad sa senyas na iyon ng punong ministro.
"Alam ko kung ano ang inyong nais, dahil ang totoo'y pareho lamang tayo ng ninanais." Ang sabi ni punong ministro Kim bilang pagkuha sa loob ng mga taong naroroon.
"Kung ganoon ay nais mo rin na mapatalsik sa kanyang trono ang hari? Hindi ba't tagapaglingkod ka niya?" ang malakas na sabi ng isang lalaki bilang pagtatanong kay punong ministro Kim.
"Oo, tama ka, isa nga ako sa mga tagapaglingkod ng hari, ngunit hindi nangangahulugan iyon na ako'y nasa kanyang panig, ang totoo ay tulad niyo labis din akong nagdamdam sa hari nang malaman ko na nilinlang niya tayo, pinaniwala na iisa lamang ang kanilang naging anak ng reyna na ngayon ay hindi na natin malaman kung nasaan, at alam nating lahat na kamumuhian tayo ng langit sa ginawang iyon ng hari, kaya naman nais kong malaman niyo na ako at ang mga ministro na kasama ko ngayon dito na nakatayo sa inyong harapan ay inyong kakampi at kasama sa paglaban sa hari." Ang sabi ni punong ministro Kim, at umugong ang mga bulungan sa liwasan tila ba hindi nila masabi sa kanilang mga sarili kung maniniwala ba sila sa sinasabi ng punong ministro na kanilang kaharap, habang si punong ministro Kim at ang mga kasama nitong ministro9 ay nanatiling nakikiramdam sa kanila.
"Paano namin malalaman na dapat ka nga naming pagkatiwalaan?" ang malakas na sabi pa ng isang lalaking medyo malayo sa kinaroroonan ng punong ministro.
"Ah, simple lang ang kasagutan sa tanong mong iyan, ang totoo ay narito kami upang ihatid sa inyo ang isang magandang balita." Ang sabi ni punong ministro Kim bilang tugon sa lalaki, "masaya kong sasabihin sa inyo na ang hari natin na kinikilala ay amin nang nakumbinse ng aking mga kasama na bumaba sa kanyang trono." Ang dagdag na sabi ni punong ministro Kim at mas lumakas ang ugong ng bulungan ng mga tao sa narinig nilang iyon.
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...