KABANATA XXIII: Si Haring Lee Shin at si Hyun

5.3K 165 39
                                    



Sa pagsapit ng umaga sa kaharian ng dinastiyang Lee, bagama't naging malamig ang umagang iyon ay maaga pa din na nagtungo sa tahanan ng hari sila Hyun, Chun-Jun, Lady Bam Sam, at ang mga tagapaglingkod ni prinsipe Hwang, nagtungo sila roon upang salubungin ito dahil sa araw na iyon ay ihahatid naman nila ito sa tahanan ng reyna na magiging tahanan na ni prinsipe Hwang sa pamamalagi niya sa kahariang iyon bilang ang bagong reyna nito.


May pangamba man ang pangkat nila Hyun na inaalala sa kanilang bawat paghakbang palapit sa tahanan ng hari ay pinipilit pa din nila na maging positibo, nang makarating sila doon ay agad silang yumuko upang batiin sila Ginoong Shen na siyang nauna na makarating roon, at yumuko din naman ang pangkat ng ginoo upang batiin din sila sa umagang iyon.


Sa loob naman ng tahanan ng hari ay nanatiling nakayakap si haring Lee Shin kay prinsipe Hwang, tila talagang sinulit ng bagong hari ng kaharian ang pagkakataong iyon na mayakap si prinsipe Hwang, ilang sandali pa ay nagising si haring Lee Shin at marahan nitong iminulat ang kanyang mga mata, sa pagmulat ng mga ito ay isang ngiti ang agad nitong ibinigay para sa mahimbing pa ding natutulog na si prinsipe Hwang.


"Hindi ko maikakaila na minamahal kita ng lubos, kung maaari lamang na manatili na lamang tayo ng ganito." Ang pabulong na sabi ni haring Lee Shin at dahan dahan niyang inilalapit ang kanyang labi sa labi ng natutulog pa ding si prinsipe Hwang ngunit noong maliit na distansiya na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi ay huminto si haring Lee Shin at sa halip na sa labi niya ito halikan ay marahan niya itong hinalikan sa noo nito at pagkatapos ay marahan at maingat na bumangon upang hindi nito magising si prinsipe Hwang.


Nang makabangon at makababa na si haring Lee Shin sa higaan nito ay tahimik nitong nilisan ang silid upang lumabas ng tahanan ng hari, sa kanyang pagbukas sa pinto ng tahanan ng hari ay agad na bumungad sa kanya ang pangkat nila ginoong Shen at Hyun kasabay noon ay ang pagsalubong sa kanya ng mga ito ng pagyuko bilang pagbibigay pugay at paggalang sa kanya.


"Magandang umaga sa inyong mga naririto." Ang sabi ni haring Lee Shin bilang pagbati sa kanila, at agad niyang ibinaling ang kanyang atensiyon kay Hyun na noo'y nakatingin lamang sa kinatatayuan nito.


"Ikaw si punong kapitan Taeyang Hyun tama ba?" ang tanong ni Haring Lee Shin kay Hyun na nabigla nang madinig niya ang pagsambit sa kanyang pangalan ni haring Lee Shin.


"A-a-a-ako nga po kamahalan." Ang nauutal na tugon ni Hyun na hindi makatingin ng diretso kay haring Lee Shin.


"May problema ba punong kapitan, bakit tila nababagabag ka? Naninibago ka pa rin ba dito sa palasyo o may ibang tao ka na inaalala na siyang gumugulo sa iyo ngayon?" ang may lamang tanong ni haring Lee Shin kay Hyun.


"Wala po ito kamahalan." Ang sabi naman ni Hyun bilang matipid na sagot sa tanong ni Haring Lee Shin.


"Ah siya nga ba, pero malakas ang aking pakiramdam na mahalaga sa iyo ang iniisip mo punong kapitan, ang halaga niya marahil sa iyo ay tulad ng halaga sa aking mahal na reyna, hindi ba?" ang sabi ni haring Lee Shin at napatingin si Hyun dito na tila bigla dahil pakiramdam ni Hyun ay may nais iparating sa kanya ang mahal na haring Lee Shin sa mga sinabi nito.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon