KABANATA XIII: Isang Pagsibol Mula sa Pagdadalamhati

4.9K 208 33
                                    


Naiwan na si prinsipe Hwang sa silid na iyon kasama ang wala pa ding malay na kapatid at kakambal nitong si prinsesa Bong, may mga pagkakataon na hindi mapigilan ni prinsipe Hwang ang pagluha kaya naman madalas din ang kanyang pagpapahid ng mga luha, hawak ang kamay ng walang malay na kapatid ay pinagmasdan ni prinsipe Hwang ang kakambal, mahina ngunit malalim ang paghinga ni prinsesa Bong, namumutla at butil-butil ang pawis nito at mababanaag ang hirap na nararamdaman nito sa kabila ng pagkawala nito ng malay.


"Kapatid ko, tatagan mo ang iyong kalooban, pakiusap kayanin mo kung ano man ang iyong nararamdaman, kapatid ko." Ang pabulong na sabi ni prinsipe Hwang na punong puno ng pag-aalala para sa kapatid.


Noong sandali ding iyon ay lumabas na sa lihim na hardin si Hyun, sa kanyang paglabas ay bumungad sa kanya ang mga tagapaglingkod ng prinsesa at si Lady Shang na tila nabigla pa nang makita siya nito na lumabas sa lihim na hardin.


"Lady Shang, tila gulat na gulat ka yata na makita ako?" ang tanong ni Hyun kay Lady Shang.


"Ah hindi naman sa ganon kapitan Taeyang Hyun, di ko lang inaasahan na makita ka rito ngayon." Ang sabi ni Lady Shang bilang tugon kay Hyun.


"Bakit mo naman nasabi na hindi mo ako inaasahan na narito ako?" ang pag-uusisang tanong ni Hyun.


"Ah nabalitaan ko kasi na mayroong dumating na ulat mula sa Mulimja na ngayon ay nasa ilalim na ng kaharian ng Yongjayu na ang iyong ama na si heneral Taeyang Baeggeum ay nasawi sa pakikisali sa kaguluhan doon." Ang sabi ni Lady Shang at nang madinig muli ni Hyun ang balitang iyon ay tila biglang naging seryoso siya ngunit pinilit niya na kalmahin ang kanyang sarili, ayaw na niyang dumagdag pa sa alalahanin ni prinsipe Hwang, kaya naman pinilit niyang ngumiti kay Lady Shang.


"Sa ngayon hindi ko na inaalala ang ulat na iyan, sa ngayon ay wala pa namang matibay na katibayang magsasabing nasawi nga ang aking ama doon bukod sa balita na iyan, at kung sakaling totoo man na pumanaw ang aking ama ay alam kong namatay siyang marangal at walang bahid ng pagtataksil o ano mang kasamaan, kaya naman magpapatuloy din akong mabuhay at gampanan ang aking tungkulin tulad ng aking ama." Ang sabi ni Hyun bilang tugon.


"May punto ka sa sinabi mong iyan kapitan Taeyang Hyun." Ang tila pilit na pagsang-ayon ni Lady Shang.


"Kaya kung mamarapatin niyo ay maiwan ko na muna kayo Lady Shang dahil may mahalagang bagay pa akong dapat gawin." Ang sabi ni Hyun.


"Sandali lamang kapitan Taeyang Hyun, maaari ko bang malaman kung ano na ang ginagawa ng mahal na prinsesa sa loob ng lihim na hardin?" ang tanong ni Lady Shang.


"Pasensiya na Lady Shang, ipinagawa ng maharlikang pamilya ang lihim na hardin upang magsilbi itong lugar kung saan nila maaaring gawin ang mga bagay na nais nila o makapagpahinga ng pribado, ibig sabihin malayo sa mata ng sinuman sa publiko o kanilang tungkulin, kaya naman hindi ko maaaring sagutin ang iyong tanong at masmakakabuti na di mo na din alamin ang sagot sa iyong tanong Lady Shang." Ang sabi ni Hyun, "kaya inyong ipagpaumanhin ako ay kailangan ng umalis." Ang sabi ni Hyun at agad na nga niyang iniwan si Lady Shang at ang mga tagapaglinkod ng prinsesa.


Sa kaharian ng dinastiyang Lee, kasalukuyan namang nasa silid tanggapan niya si prinsipe Lee Shin na tahimik lamang habang nakapangalumbaba na tila ba may malalim na iniisip, ilang sandali pa ay umayos siya sa kanyang pagkakaupo at napabuntong hininga na lamang.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon