KABANATA XXI: Ang Pag-iisang Dibdib ng Dalawang Maharlika

5.1K 200 21
                                    


Sa pagdating nila prinsipe Hwang sa palasyo ng kaharian ng dinastiyang Lee ay naibsan ang pangamba at pag-aalala ng lahat ng naroon lalo na sila haring Lee Yuan, reyna Lee Hanna, at lalong lalo na si prinsipe Lee Shin na tinatanaw mula sa malayo si prinsipe Hwang, ngunit kahit sa malayo lamang niya ito tinatanaw dahil na din sa pagsunod nito sa tradisyon ng kanilang kaharian ay nagawa pa din niyang maging masaya at masabi sa sarili nito na sa muling pagkakita niya rito ay mahal nga niya ang taong kanyang tinatanaw ngayon.


"Kamahalan, halika na po at bumalik na tayo sa inyong tahanan, baka makita pa po tayo ng mahal na hari lalo na po ang mahal na reyna, naku tiyak na pag nakita tayo rito ay mapaparusahan ako." ang sabi ni ginoong Shen na di mapakali para sa kanyang sasapitin kung sakaling makita sila ng mahal na reyna.


"Ano ka ba ginoong Shen, masiyado ka namang natataranta diyan, di ba sabi ko sayo na ako na ang bahala, tiyaka di tayo makikita ni ina dito, hayaan mo na lamang ako na pagmasdan ko pa ang aking magiging mahal na reyna." Ang nakangiting sabi ni prinsipe Lee Shin.


"Hay naku kamahalan, hindi ko talaga alam kung kanino kayo nagmana ng katigasan ng inyong ulo. Minsan talaga para na kong mababaliw sayo." Ang sabi ni ginoong Shen at tinawanan lamang siya ni prinsipe Lee Shin at muling ibinalik ang tingin kay prinsipe Hwang na noon ay kinakausap na ng mahal na haring Lee Yuan at reyna Lee Hanna.


"Sabi ni ama minsan sa akin na sa kanya daw ako nagmana ng katigasan ng aking ulo, kaya ginoong Shen huwag ka na mangamba diyan dahil tiyak naman na mauunawaan ako ng aking amang hari, tiyaka ang tagal ko din siyang hindi nakita kaya hayaan mo na muna ako ginoong Shen na kahit dito sa malayo ay tanawin ko lamang ang pinakamamahal ko." Ang nakangiting sabi ni prinsipe Lee Shin at patuloy pa din na pinagmamasdan nito si prinsipe Hwang habang matamis itong ngumingiti na mas nagpangiti naman si prinsipe Lee Shin nang makita nito ang matamis na ngiti ni prinsipe Hwang.


Noong mga sandali namang iyon ay patuloy din ang pakikipag-usap nila haring Lee Yuan at reyna Lee Hanna sa pangkat nila prinsipe Hwang lalo na sa mahal na prinsipe na labis nilang kinagigiliwan dahil sa talino nito at pinong pagkilos at pananalita.


"Akala namin talaga ay hindi ka na makakarating ngayong araw dahil nangangamba kami na may nangyaring masama sa inyo na dahilan para maantala ang inyong pagdating." Ang sabi ni reyna Lee Hanna.


"Mahal na reyna ang totoo po niyan ay..." ang hindi natapos na pagsasalita ni prinsipe Hwang dahil biglang nagsalita si haring Lee Yuan na napansin ang nakabendang braso ni kapitan Cheol Go.


"Kapitan Cheol Go, ano ang nangyari sa iyong braso, wala akong matandaan na may bend aka noong umalis ka ng palasyo upang sunduin ang pangkat ng mahal na prinsesa?" ang pag-uusisa ng mahal na hari.


"Ang mangyari po kasi kamahalan ay ang tunay na dahilan bakit po naantala ang pagdating ng mahal na prinsesa dito sa palasyo ay tinambangan ng mga kawatan an gaming pangkat sa kakahuyan." Ang sabi ni kapitan Cheol Go na kinabigla ng mahal na hari at mahal na reyna nang madinig ang mga sinabing iyon ni kapitan Cheol Go.


"Kung ganoon ay muntikan nang mapahamak ang mahal na prinsesa? Mahabaging langit, ipagpaumanhin mo mahal na prinsesa kung sinalubong ka ng hindi magandang karanasan sa iyong pagdating dito." Ang sabi ni reyna Lee Hana bilang paghingi ng paumanhin kay prinsipe Hwang, "marahil ay natakot ka nang dahil sa nangyari." Ang dagdag pa ng mahal na reyna at isang ngiti at iling ang unang itinugon ni prinsipe Hwang.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon