KABANATA VI: Mga Huling Salita

6.1K 238 41
                                    


Luminga linga si kapitan Taeyang Baeggeum sa paligid, sinigurado niya na walang ibang tao sa paligid na nakadinig sa kaniyang mga nabitawang salita, nang makasiguro ay agad isinara ni kapitan Taeyang Baeggeum ang tarangkahan ng kanilang tahanan, habang sila Hyun at prinsipe Hwang ay nanatili lamang na nakatayo at tinignan lamang si kapitan Taeyang Baeggeum habang sinasara nito ang tarangkahan.


"Ama, ano po ba ang ibig niyong sabihin sa inyong mga nasabi kanikanina lamang?" ang tanong ni Hyun na nanatiling lito at naguguluhan sa nadinig niya mula sa kanyang ama.


"Mabuti pa anak ay pumasok muna tayo sa loob at saka ko sa iyo ipapaliwanag, kamahalan tumuloy po kayo sa aming munting tahanan." Ang sabi ni kapitan Taeyang Baeggeum at bahagyang yumuko ito upang magbigay galang kay prinsipe Hwang na hindi pa din makapaniwalang ama ito ni Hyun, kaya naman isang pagtango na lamang ang naitugon ni prinsipe Hwang sa kapitan.


Sa loob ng tahanan, sa may silid tanggapan nito sila dumiretso at doon ay naupo sila kapitan Taeyang Baeggeum, Hyun, at prinsipe Hwang, tila nagpapakiramdaman silang tatlo noong mga sandaling iyon, tila ba hinihintay nila na may bumasag ng katahimikan sa silid na iyon, si Hyun ay nakatingin lamang kay prinsipe Hwang at banaag pa din ang kanyang pagkalito, habang si prinsipe Hwang naman ay napayuko na lamang dahil sa nahihiya siya sa kanyang hindi pagsasabi ng katotohanan tungkol sa kanyang katauhan kay Hyun.


"Ama anon a po ang inyong sagot sa aking katanungan?" ang tanong ni Hyun sa kanyang ama sabay alis ng tingin kay prinsipe Hwang.


"Ang totoo niyan Hyun, anak ay..." ang putol na sabi ni kapitan Taeyang Baeggeum dahil sa biglang pagsabad ni prinsipe Hwang.


"Ang totoo Hyun ay anak ako ng hari at reyna ng bansang ito, at ang iyong ama ay ang kapitan ng mga kawal na naatasang bantayan at pangalagaan ako." ang sabi ni prinsipe Hwang bilang pagsagot at nananatili pa ding nakayuko.


"Ngunit kung ikaw ang anak nila haring Yang Jong at reyna Yang Geum, bakit prinsipe ang tinawag sa iyo ni ama? Ang alam ko ay isang prinsesa ang anak ng mahal na hari at mahal na reyna at hindi na muli nagsilang pa ang mahal na reyna pagkatpos maisilang ang mahal na prinsesa." Ang sabi ni Hyun na tila pilit nililinaw ang lahat.


"Dahil ang katotohanan niyan ay isa talaga akong prinsipe, ako ay kakambal na lalaki ng prinsesa. Patawarin mo ako Hyun kung di ko sinabi sa iyo ang katotohanan at kung pinaniwala kita na isa akong babae, pero sana ay maniwala kang hindi ko ninais na ikaw ay linlangin." Ang sabi ni prinsipe Hwang na umaasa na makadinig ng kapatawaran mula kay Hyun, ngunit katahimikan lamang ang sinagot ni Hyun, at napansin ni kapitan Taeyang Baeggeum ang naging reaksiyong iyon ng kanyang anak.


"Alam ko anak na hindi lingid sa iyong kaalaman ang pagbabawal ng kaharian tungkol sa pagsisilang ng kambal ng maharlikang angkan at ang kaakibat na kaparusahan nito sa ikalawang isisilang, ngunit nagkataong isang mensahe mula sa bituin at langit ang nakita ng punong babaylan tungkol sa kambal na anak ng mahal na hari at mahal na reyna, bukod doon ay nais din ng mahal na hari at mahal na reyna na buhayin ang isa sa kambal, at ganoon na nga ang nangyari inilihim ng lahat na naging saksi at naroon sa pagsisilang ng mahal na reyna ang tungkol sa pagsisilang nito ng kambal at itinago namin sa lihim na hardin ng palasyo ang isa sa kanila at iyon nga ay ang mahal na prinsipe na nasa iyong tabi anak." Ang sabi ni kapitan Taeyang Beggeum bilang pagpapaliwanag at tila bahagyang naliwanagan si Hyun dahil doon.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon