KABANATA XVIII: Kaarawan at Paghahanda

5.5K 208 43
                                    


Naging abala ang buong palasyo ng kaharian ng Suzaku ilang araw bago sumapit ang kaarawan ni prinsipe Hwang, tulad nang napagpasiyahang desisyon ni prinsipe Hwang noon sa pagtitipon ng bulwagan ay walang magarbong paghahanda ang isinagawa para sa kanyang ikalabing walong kaarawan, ang hudyat na nalalapit na din ang kanyang paglisan sa palasyo dahil pagkatapos ng araw na iyon ay kailangan na niyang tahakin ang daan patungo sa kaharian ng dinastiyang Lee upang isakatuparan ang nakatakdang pakikipag-isang dibdib sa itinakdang prinsipe ng dinastiya.


Umaga nang ikalabing walong kaarawan ni prinsipe Hwang, nagdaos ng simpleng salu-salo ang kanyang amang hari at inang reyna para sa kanya sa bulwagan ng hari, alinsunod na din sa kagustuhan ni prinsipe Hwang ay tunay na payak at halos tila normal na salu-salo lamang iyon maliban lamang sa dami ng tao na naroroon ay wala nang iba pang maaaring magsabi na isa iyong espesyal na salu-salo dahil maging ang mga pagkain ay pawang napakapayak lamang, walang masiglang musika o pagtatanghal ng mga mananayaw, ang salu-salong iyon ay tila nagsisilbi na ding paghahanda para sa pag-alis ni prinsipe Hwang sa palasyo.


"Isang pinagpalang umaga sa inyong lahat na ngayon ay naririto sa bulwagang ito." Ang panimulang pagbati ni haring Yang Jong sa lahat ng naroon sa bulwagan.


"Isang pinagpalang umaga rin sa inyo mga kamahalan." Ang sabay-sabay na pagtugon ng mga taong naroon at kasabay nito ang kanilang pagyuko bilang pagbibigay pugay sa mahal na hari, mahal na reyna, mahal na prinsesa, at sa punong babaylan na nakaupo sa pinaka harap ng bulwagan ng hari.


"Nagpapasalamat ako sa inyong pagdalo sa salu-salong aming ipinahanda ng inyong mahal na reyna para sa aming mahal na anak at inyong mahal na prinsesa na si prinsesa Bong, ang salu-salong ito ay paghahanda para sa dalawang kadahilanan, ang una ay ang ikalabing walong kaarawan ng ating mahal na prinsesa, at ang ikalawa ay bilang paghahanda na din sa nakatakdang pag-alis ng mahal na prinsesa sa ating palasyo at kaharian dahil bukas ay magtutungo na siya sa kaharian ng dinastiyang Lee upang makipag-isang dibdib sa itinakadang prinsipe ng dinastiya." Ang malugod na sabi ni haring Yang Jong.


"Mabuhay ang mahal na prinsesa!" ang sabay-sabay na pagsasabing muli ng mga tao sa bulwagan at muli silang yumuko upang magbigay pugay at bilang pagbati na rin kay prinsipe Hwang, at ilang ulit pa muli nila ito ginawa upang ipakita kay prinsipe Hwang ang kanilang kagalakan para sa kaarawan nito at sa nakatakdang pakikipag-isang dibdib.


Nang matapos ang pagbati at pagpupugay para kay prinsipe Hwang ay tumayo siya sa kanyang pagkakaupo, pinagmasdan ng nakangiti ang buong bulwagan na kinaroroonan nilang lahat, at pagkatapos ay ipinako ang kanyang tingin sa iisang direksiyon lamang, sa direksiyon kung saan nakatayo si Hyun kasama sila Chu-Jun na at iba pang kawal na nagbabantay sa bulwagan, tulad niya ay nakatingin din sa kanya si Hyun at pasimpleng ibinulong ang mga salitang mahal kita, dahil doon ay napangiti si prinsipe Hwang at pagkatapos ay ibinaling muli sa lahat ang kanyang tingin.


"Sa lahat ng mga naririto sa bulwagang ito, bago ko simulan ang aking mga sasabihin ay nais ko na munang magpasalamat sa inyong lahat sa pagdalo, pagbati, at pagbibigay pugay para sa akin, kaya naman taos puso akong nagpapasalamat sa inyo." Ang sabi ni prinsipe Hwang at nakangiti siyang yumuko sa harap ng kanyang amang hari, inang reyna, at punong babaylan, pagkatapos ay yumuko din siya sa harapan ng lahat ng naroroon pagpapakita na lubos siyang nagpapasalamat sa mga naroon at tumugon naman ang lahat ng isang sabay-sabay din na pagyuko.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon