KABANATA XXVII: Isang Kapanalig sa Mukha ng Kalaban

3.6K 166 10
                                    


Tatlong araw bago ang araw ng pag-alis nila prinsipe Hwang upang maglakbay patungo sa kaharian ng Byeol Yeosin ay natanggap ni punong ministro Kim ang liham na ginawa para sa kanya ng pamangking si Lady Kim Eun Ro, nang mabasa ang nilalaman ng liham ay kumislap ang mga mata nito at gumuhit sa kanyang labi ang ngiti ng tila isang maninila na nakakita ng magandang pagkakataon para atakihin ang biktima nito. Agad niyang pinatawag ang kanyang mga kapanalig na ministro at nagkita sila sa kakahuyan sa labas ng palasyo, naroon na ang lahat maliban lamang kay ministro Tang na siyang naatasan ng punong ministro ng isang gawain.


"Punong ministro Kim ano ang dahilan at kami ay inyong pinatawag?" ang tanong ni ministro Min na siyang pinaka napapaisip sa dahilan ng punong ministro sa biglaang pagpapatawag sa kanila at sa labas pa ng palasyo nito naisipan na makipagpulong.


"Naging matagumpay ang aking plano, napili ang aking pamangking si Lady Kim Eun Ro na maging babae ng hari at hindi naman kaila sa ating lahat iyon hindi ba mga kapanalig kong ministro?" ang sabi ni punong ministro Kim.


"Tama punong ministro at isang magandang balita para sa atin iyon, ngunit ano ang kinalaman ng pagkakahirang ni Lady Kim Eun Ro sa pagpapatawag niyo sa amin?" ang tanong ni ministro Ma at tumingin si punong ministro Kim sa kanila at pagkatapos ay mula sa manggas ng kanyang kasuotan ay ipinakita niya sa mga ministro ang liham na pinadala ng kanyang pamangkin.


"Ito ay isang liham na ipinadala sa akin ng aking pamangkin, at nais ko inyo itong basahin." Ang sabi ni punong ministro Kim at iniabot kay ministro Choi ang liham at kanyang hinayaang mabasa ng mga ministro ang liham na ipinadala ni Lady Kim Eun Ro.


Tahimik na binasa ng tatlong ministro ang liham na ibinigay sa kanila ni punong ministro Kim habang ang punong ministro naman ay nakamasid lamang sa kanila, sa mga sandali na binabasa naman ng mga ministro ang liham ay siya namang pagdating ni ministro Tang kasama ang isang lalaking nagmula sa samahan ng tubig ahas, si Chan Xiu.


"Mabuti naman at nakarating na kayo." Ang sabi ni punong ministro Kim at ibinaling nila ministro Ma ang tingin kila ministro Tang at Chan Xiu. Yumuko sila ministro Tang at Chan Xiu upang magbigay pugay at galang sa punong ministro.


"Pasensiya na sa paghihintay punong ministro Kim." Ang magalang na sabi ni Chan Xiu.


"Wala iyon ang mahalaga ay nakarating ka, dahil ngayon ay may nais akong ipagawa sa inyo at umaasa ako na magagawa niyo ito ng maayos at malinis." Ang sabi ni punong ministro Kim.


"Punong ministro Kim, huwag mong sabihing ang lalaking ito ay kabilang sa..." ang di na natuloy na sabi ni ministro Ma dahil sa nakita niyang pagngiti ni punong ministro Kim.


"Tama ministro Ma ang lalaking kaharap natin ngayon ay kabilang sa isang samahan ng mga bayarang mamamaslang." Ang malugod pang sabi ni punong ministro Kim, at yumuko sa mga ministro si Chan Xiu upang magbigay galang sa mga ito.


"Kung ganoon punong ministro ang plano niya ay..." ang hindi ding natuloy na sabi ni ministro Choi dahil sa nakangiting tumango sa kanya si punong ministro Kim.


"Ha-ha-ha, tama muli, sa tingin ko ay ginagamit niyo na ang inyong mga utak talaga, pinapunta ko siya rito para gawin ang bagay na iyon." Ang sabi ni punong ministro Kim at kanyang ibinaling ang atensiyon kay Chan Xiu.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon