"Sigurado ka ba Lady Chil Yon Yi na iyan na lamang ang natatanging paraan?" ang tanong ni haring Lee Shin nang matapos ilahad ni Lady Chil Yon Yi ang lahat ng nais niyang sabihin kay haring Lee Shin.
"Opo kamahalan, wala na rin tayong iba pang mapagpipilian pa, ang kamatayan ng mahal na reyna na lamang ang natatangi at nararapat na pagpapasya na inyong gawin, dahil kung hindi niyo ipagkakaloob ang nais ng mahal na inang reyna ay tiyak na magkakaroon ng kaguluhan dito sa loob ng palasyo, at magiging dahilan iyon ng pagbagsak ng buong dinastiya." Ang sabi ni Lady Chil Yon Yi bilang tugon sa mahal na haring Lee Shin.
"Bakit kailangang mangyari ito." Ang sabi ni haring Lee Shin na tila hindi pa rin magawang makapagpasiya.
"Kamahalan, minsan kailangan nating magsakripisyo para sa ikabubuti ng nakakarami, masbigat ang sakripisyo mas malaking kabutihan ang katumbas." Ang sabi ni Lady Chil Yon Yi at kanyang inilabas ang isang punyal na may gintong hawakan, ang punyal na siyang kumitil sa buhay ni Lady Suk Kwon Choi.
"Ano ang punyal na iyan?" ang tanong ni haring Lee Shin nang makita ang punyal na hawak ni Lady Chil Yon Yi, inilapag ni Lady Chil Yon Yi ang punyal sa mesa at tumingin siya sa mahal na hari.
"Ang punyal na iyan kamahalan ay ang punyal na siyang kumitil kay Lady Suk Kwon Choi, ang punyal na ginamit ng tunay na pumaslang sa kanya, at siya din ang taong nagbunyag at nagbintang sa mahal na reyna, kaya naman kung ipapataw niyo mahal na hari ang kamatayan sa mahal na reyna ay tiyak na makukuha mong muli ang tiwala ng mahal na inang reyna at bukod doon ay mapapaniwala mo din ang tunay pong salarin na naniwala kang tunay sa mga sinabi niyang kasinungalingan." Ang sabi ni Lady Chil Yon Yi, at kinuha ng hari ang punyal na inilapad ni Lady Chil Yon Yi at kanya itong pinagmasdan.
"Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang paninira ng kapayapaan at kaayusan sa kaharian na matagal na iningatan at pinamunuan ng aking mahal na ama at angkan, bukod doon hinding hindi ko siya mapapatawad dahil sa kanya nasaktan at dadanasin ng taong aking tinatangi ang lahat ng hirap na ito." Ang sabi ni haring Lee Shin na walang pagdadalawang isip na sinabi ang kanyang tunay na nararamdaman para kay prinsipe Hwang, at sa halip na mailang si Lady Chil Yon Yi sa pag-ibig ni haring Lee Shin para sa kanilang kinilalang reyna sa kabila ng pagiging lalaki nito ay labis siyang humanga sa kamahalan dahil doon.
"Ang lahat ng kasamaan at kabutihan na ginagawa ng sino man dito sa mundo ay may katumbas na kaparusahan at kabayaran, ang mahal na reyna ay nagtataglay ng busilak at mabuting puso kaya naman tiyak na kalulugdan siya ng kalangitan." Ang sabi ni Lady Chil Yon Yi at tumango sa kanya si haring Lee Shin senyales na nauunawaan ng hari ang kanyang sinabi.
"Kung ganoon ay nakapagpasiya na ko, sa oras na magising ang mahal na reyna, ay aking ibaba ang hatol na siyang tatapos sa kaguluhang ito." Ang sabi ni haring Lee Shin, "ginoong Shen!" ang dagdag na malakas na pagtawag ni haring Lee Shin sa kanyang tapat na tagapaglingkod na si ginoong Shen.
Sa pagtawag na iyon ni haring Lee Shin kay ginoong Shen ay agad namang dumating sa loob ng silid tanggapan ang ginoong tagapaglingkod ng hari, agad itong yumuko bilang pagbibigay pugay at paggalang sa mahal na hari.
"Kamahalan, ako po ay inyong tinawag, ano po ang aking maipaglilingkod?" ang malumanay na sabi ni ginoong Shen bilang pagtatanong sa kung ano ang dahilan ng hari sa pagtawag nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...