Nang matapos si prinsipe Hwang sa kanyang panonood sa mga pailaw sa kalangitan ay dali-dali na din siyang sumuot sa butas na nagsilbing lagusan niya sa mundo sa labas ng hardin na kung saan ay lagi siyang namamalagi, nang makasuot na siya ay pinagpag niya ang kanyang kasuotan at nilingon ang malaking pader na nagsisilbing bakod sa kanyang likuran, hindi na niya muli matanaw ang ganda ng mundo, sa sandaling iyon ay bahagyang nakaramdam siya ng lungkot muli dahil alam niyang matatagalan pa muli bago niya maulit ang paglabas sa harding iyon.
Naglakad si prinsipe Hwang patungo sa pahingahan sa harding iyon na nagsisilbing kanyang tahanan, papalapit pa lamang siya sa tahanan niyang iyon ay napansin niya na agad na walang ilaw ang nagmumula sa loob nito, nangangahulugan lamang na wala pa dito ang kanyang tagapag-alaga na punong babaylan na si Lady Shin Bae, nang makarating sa entrada ng tahanan ay agad niyang binuksan ang nagsisilbing pinto nito, may kadiliman man sa loob pero dahil na din sa liwanag ng buwan na pumapasok sa loob ay di siya nahirapan na makita ang daan patungo sa silid kung saan niya ginagawa ang pagbabasa.
Sa loob ng silid ay agad niyang kinuha ang lampara at pansindi na nakalagay sa ibabaw ng maliit na mesa malapit sa bintana, agad niya itong sinindihan at pagkasindi nito ay agad na nagliwanag ang buong silid, pagkatapos noon ay naupo siya sa sahig at inilabas niya ang mga bulaklak na ibinigay sa kanya ni Hyun mula sa kanyang kasuotan at muli ay di naiwasang mapangiti ni prinsipe Hwang habang nakatingin sa mga putting bulaklak, at sa di mawaring dahilan ay bigla niya muling naisip si Hyun, at sa isip niya ay nakita niyang magkasama silang nakatayo ni Hyun sa isang burol habang hawak niya ang mga bulaklak ng galanthus at pinagmamasdan nilang pareho ang magagandang pailaw sa kalangitan.
"Ano ba itong naiisip ko at nararamdaman? Bakit nagkakaganito ako? Ngayon ko lamang ito naramdaman, ano ito?" ang mga tanong ni prinsipe Hwang sa kanyang sarili at napahawak siya sa kanyang dibdib at naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
Kanyang iniling-iling ang kanyang ulo upang mawala ang kanyang iniisip, "tama na nga ito, marahil dahil lamang ito sa sobrang saya na naranasan ko." Ang sabi ni prinsipe Hwang na tila kinakausap niya ang kanyang sarili, tumayo siya at pagkatapos ay lumapit siya sa isang malaking aparador, binuksan niya ito at sa loob nito ay isang magandang putting plorera na napapalamutian ng mga kulay gintong disenyo ang kanyang nakita, agad niya itong kinuha at pagkatapos ay nagtungo siya sa labas upang lagyan ito ng tubig mula sa isang tapayan, nang malagyan niya ito ng sapat na dami ng tubig ay agad din siyang bumalik sa loob ng silid at muling naupo sa tapat ng mga bulaklak, isa-isa niya itong inilagay sa plorerang kanyang nakita, inayos niya ito ng mabuti, habang inaayos niya ito ay masaya si prinsipe Hwang at nakangiti, may kislap ang kanyang mga mata.
Nang matapos siyang ayusin ang mga bulaklak may isang bulaklak ng galanthus ang nalagas mula dito, agad itong kinuha ni prinsipe Hwang, "hindi ka maaaring masayang dahil isa kang magandang bahagi ng araw kong ito, isa kang regalo ng kasiyahan." Ang sabi niya habang nakatingin sa bulaklak na nalagas na kanyang hawak, muling tumayo si prinsipe Hwang mula sa kanyang pagkakaupo at lumapit naman siya sa kanyang mesa na punong puno ng mga libro, doon ay kanyang kinuha ang isang libro na niregalo sa kanya ng kanyang kapatid at kakambal na si prinsesa Bong at kanyang inang reyna na si reyna Yang Geum, ito ay isang libro na naglalaman ng mga tula patungkol sa katapatan, pagmamahal, at kalayaan, hawak ang bulaklak na nalagas ay binuksan niya ang libro sa isang pahina na naglalaman ng tula patungkol sa tapat na pagmamahal at doon ay kanyang inilagay ang nalagas na bulaklak at pagkatapos ay kanyang isinara ang libro at sa halip na ibalik ito sa mga libro sa ibabaw ng mesa ay inilagay niya ito sa loob ng isang maliit na tukador.
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...