Sumapit na ang araw ng taglamig at tatlong linggo na mahigit ang lumilipas simula nang ihain at ipakain kay prinsesa Bong ang mga pagkaing nagtataglay ng lason na hindi niya alam na nilalagay ni Lady Shang sa mga ito, sa mga nagdaang araw ay tila wala pang epekto ang lason, ngunit sa paglapit ng araw ng kaarawan nilang kapatid ay naging mahihiluhin, maputla, matamlay, at tila wala nang gana sa kanyang pagkain si prinsesa Bong, ngunit hindi niya ito hinayaan na makarating sa hari dahil sa ayaw ng mahal na prinsesa na mag-alala ang mga ito sa kanya, kaya naman sa halip ay kanyang madalas na pinatatawag sa kanyang tahanan ang kanyang doktor na si doktor So.
"Doktor So, kamusta nap o ang aking kalagayan?" ang tanong ni prinsesa Bong kay doktor So nang matapos siyang suriin nito at pulsuan.
"Hindi pa din po mabuti ang inyong lagay mahal na prinsesa, habang tumatagal ay bumagal ang inyong pulso, ang maipapayo ko po lamang sa inyo sa ngayon bilang hindi pa natin tiyak ang lagay ng inyo pong kalusugan mahal na prinsesa ay manatili kayo na nagpapahinga at kumain ng mga pagkaing masusustansiya, pinayuhan ko na si Lady Shang tungkol dito." Ang sabi naman ni doktor So na seryoso ang kanyang mukha.
"Ganoon ba doktor So, nangangamba ako sa aking kalusugan dahil noong nakaraan ay ayos lamang ako pero simula ng minsang makaramdam ako ng pagkahilo ay doon na nagsimula ang mga ganitong pakiramdam na di ko gusto." Ang sabi ni prinsesa Bong na mababanaag ang kanyang panghihina at pamumutla.
"Mabuti pa kaya mahal na prinsesa ay ipaalam na natin ito sa ama niyo pong mahal na hari at sa mahal niyo pong inang reyna." Ang sabi naman ni doktor So bilang suhestiyon.
"Hindi doktor So." Ang matigas na pagtutol ni prinsesa Bong, "hindi na kailangan pang malaman ng aking amang hari at inang reyna ang tungkol dito, batid ko naman na gagaling din ako ano manga raw basta't sundin ko lamang ang inyong payo doktor So." Ang dagdag na sabi nito.
"Kayo po ang masusunod mahal na prinsesa." Ang sabi naman ni doktor So at yumuko siya bilang pagpupugay.
Noong sandali namang iyon ay tahimik na nagpapahinga sa loob ng isang silid sina Hyun at prinsipe Hwang, magkatapat na bumabasa ng magkaibang libro ng tula, may mga sandali na magnanakaw ng tingin si Hyun sa prinsipe at pagtitingin sa kanya si prinsipe Hwang ay agad niyang ibabalik ang paningin sa kanyang binabasa.
"Oh anong saya, oh anong ganda sa pakiramdam, kapag pasimpleng numanakaw tingin sayo ang tao mong mahal." Ang malakas na patulang sabi ni prinsipe Hwang na nakatingin pa din sa kanyang binabasang libro ng tula, ngunit ang totoo'y wala naman sa libro ng tulang kanyang binabasa ang mga binigkas niya, at napangiti naman si Hyun nang marinig niya iyon.
"Oh kay saklap namang isipin na alam niya ang aking pagnakaw ng tingin, ngunit ni isang halik man lamang ay di niya maiparating sa aking mga labi." Ang malakas at patula ding sabi ni Hyun, at napangiti din si prinsipe Hwang nang madinig niya si Hyun na tila ginagaya siya.
"Oh bakit pa kailangang numakaw ng tingin, kung maaari namang..." ang naputol na pagbigkas ni prinsipe Hwang dahil sa bigla siyang hinalikan ni Hyun ng mabilis sa kanyang mga labi.
"Kung maaari namang magnakaw ako ng halik." Ang sabi ni Hyun na siyang nagpatuloy sa pagbigkas ni prinsipe Hwang na hindi na natuloy dahil nga sa ninakawan na niya ito ng halik, bagkus ay napayuko na lamang at namula ang prinsipe sa kanyang kinauupuan at tahimik na kinikilig at napapangiti.
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...