KABANATA III: Mga Pailaw sa Kalangitan

6.8K 293 19
                                    


Dahil sa nalalapit na pagsapit ng gabi ay unti-unti na ding binabalot ng dilim ang kakahuyan, hawak ang mga bulaklak na ibinigay ni Hyun sa kanya ay patuloy sa kanyang pagtakbo si prinsipe Hwang upang makabalik sa lihim na hardin ng palasyo.


Nang marating ang paanan ng tila bangin na kanyang binaba noong araw na iyon ay tiningala niya pa ito muna, mula doon ay makikita din ang halos madilim nang kalangitan, pagkatapos noon ay kanyang isinuksok sa loob ng kanyang kasuotan ang mga bulaklak at naghanda na siya sa kanyang pag-akyat, naging maingat at mabagal ang kanyang pag-akyat, nasa bandang kalagitnaan na siya ng kanyang pag-akyat nang muntikan na siyang malaglag dahil sa nagkamila siya ng tapak sa isang madulas na bato, mabuti na lamang ay nakakapit siya agad ng mabuti, sandaling napahinto si prinsipe Hwang sa kanyang pag-akyat upang pahupain ang takot kaba niya dahil sa muntikang pagkalaglag, tinanaw niya ang ibaba kung saan siya nagmula, nabalot na ito ng dilim at di na niya matanaw ito, ilang sandali pa ay muli nang nagpatuloy sa pag-akyat si prinsipe Hwang.


Samantala sa isang malaking bulwagan sa loob ng palasyo kung saan patuloy pa ring ginaganap ang pagdiriwang para sa kaarawan ni prinsesa Bong ay tuloy din ang kasiyahan, ang mga maharlikang pamilya ay patuloy pa din sa masaya nilang pag-uusap at panonood sa mga nagtatanghal, gayundin ang mga matataas na opisyal tulad ng mga punong ministro at mga punong bayan at iba pa.


Sa kasiyahang iyon ay nakatitig lamang si prinsipe Lee Shin sa isang bahagi ng bulwagan kung saan nakaupo si prinsesa Bong na masaya ding nanonood sa mga nagtatanghal, sa buong araw na iyon ay gisto na niya sanang lapitan ang prinsesa ngunit hindi niya iyon magawa dahil sa mga alituntunin na kailangang sundin habang nasa pagdiriwang.


"Mawalang galang na kamahalan, ngunit mayroon po ba kayong problema?" ang biglang tanong ni ginoong Shen kay prinsipe Lee Shin.


"Bakit mo naman naitanong iyan sa akin ginoong Shen?" ang tanong na sagot ni prinsipe Lee Shin habang nakatingin pa din kay prinsesa Bong.


"Patawarin niyo po ako sa aking pakikialam o pagiging mausisa ngunit napansin ko po kasi inyong kamahalan na simula nang makita niyo ang mahal na prinsesa Bong ng kahariang ito ay halos di na ninyo inalis sa kanya ang inyong tingin at atensiyon." Ang sabi naman ni ginoong Shen bilang tugon.


"Iyon ba ginoong Shen, ngunit sino ang hindi mapapako ang tingin sa isang napakagandang prinsesang tulad niya, noong una ko siyang makita ay inakala ko na isa siyang diwata sa kakahuyan, o isang diyosa na bumaba mula sa kalangitan." Ang nakangiting sabi ni prinsipe Lee Shin na titig pa din kay prinsesa Bong.


"Hindi kaya ang inyong kamahalan ay umiibig na?" ang biglang sabi ni ginoong Shen ay napalingon sa kanya si prinsipe Lee Shin na tila mas natuwa pa nang madinig iyon.


"Siya nga ba ginoong Shen? Sa tingin niyo ay umiibig na ako sa prinsesa ng kahariang ito?" ang sabi ni prinsipe Lee Shin na galak na galak at ngumiti din sa kanya si ginoong Shen at tumango, muling ibinalik ni prinsipe Lee Shin ang tingin kay prinsesa Bong na noong mga oras na iyon ay nakangiting pinanonood ang grupo ng mga babaeng mananayaw.


"Mukhang nagustuhan n gaming anak na prinsipe ang inyong anak na prinsesa haring Yang Jong." Ang masaya't nakangiting sabi ni haring Lee Yuan kay haring Yang Jong.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon