Noong araw nang pagbabalik nila prinsipe Hwang sa palasyo ng kaharian ng dinastiyang Lee ay agad ding isinagawa ang isang pagpupulong sa bulwagan ng hari, doon ay tinipon ni haring Lee Shin ang kanyang mga ministro at opisyal, naroon din sa bulwagang iyon ang inang reyna Lee Hanna, at siyang magiging sentro ng pagpupulong na iyon, si prinsipe Hwang.
Wala pang ideya ang lahat tungkol sa kung ano bang hatid na ulat ni prinsipe Hwang tungkol sa naging paglalakbay niya sa kaharian ng Yeol Byeosin at kung ano ba ang naging tugon ng reyna nito patungkol sa kasunduan na matagal nang iniaalok ng kaharian ng dinastiya, dahil doon ay may kabang nadarama ang lahat dahil na din sa simula nang dumating ang kanilang reyna ay hindi pa ito nagsasalita hanggang sa mga sandaling iyon.
"Mahal na reyna, inyo pong ipagpaumanhin ngunit nababahala na po kami sa kung ano ang naging resulta ng inyong pagtungo sa kaharian ng Byeol Yesoin, naging matagumpay po ba ito?" ang tanong ng punong ministro na si Wo Shun Soo.
"Hindi kaya nabigo ka mahal na reyna sa iyong paglalakbay para sa pakikipagkasundo sa kaharian ng Yeol Byeosin?" ang tanong ni inang reyna Lee Hanna na siyang nagdulot ng pagbubulungan ng mga ministro't opisyal sa bulwagan ng hari.
"Mahal na inang reyna, hayaan na po muna natin na makapagsalita ang aking reyna, hayaan niyo na iulat niya ang lahat bago tayo magsalita ng may panghuhusga." Ang sabi ni haring Lee Shin bilang pagtatanggol kay prinsipe Hwang, "sige na aking reyna, iulat mo sa amin ang nangyari sa iyong paglalakbay at pakikipag-usap sa reyna ng Byeol Yeosin, ano man ang iyong iuulat ay aming pakikinggan." Ang dagdag na sabi ni haring Lee Shin at ngumiti siya sa kanyang reyna, at isang ngiti at tango naman ang itinugon sa kanya ni prinsipe Hwang.
Tumayo si prinsipe Hwang sa kanyang pagkakaupo at pagkatapos ay lumakad siya patungo sa ibabang bahagi ng harap ng bulwagan, humarap siya kay haring Lee Shin at sa mahal na inang reyna at pagkatapos ay yumuko siya upang magbigay pugay at galang sa kanila, pagkatapos ng pagpupugay ay seryoso ngunit nakangiti siyang humarap sa mga ministro at opisyal ng kaharian ng dinastiya na nanatiling kinakabahan.
"Inyong ipagpaumanhin ang aking pananahimik simula nang ako ay makarating dito sa palasyo, ang aming paglalakbay patungo sa kaharian ng Byeol Yeosin ay naging maayos ngunit masasabi ko na hindi rin naging madali, pero nais kong alisin na ninyo ang ano mang kaba na inyong nararamdaman sa mga oras na ito." Ang sabi ni prinsipe Hwang at nang madinig nila yun ay di na naman naiwasang magbulungan ng mga ministro at opisyal wari ba'y batid nila na isang magandang balita ang nais na sabihin ng kanilang reyna sa mga winika nito.
"Aking reyna, nangangahulugan ba na?" ang patanong na sabi ni haring Lee Shin na hindi na rin niya naituloy dahil tila nadala na siya ng saya na nararamdaman, humarap muli sa kanya si prinsipe Hwang at yumuko at pagkatapos ay tumingin ito sa kanya na may ngiti at kakikitaan ng saya ang mga mata.
"Opo kamahalan, naging tagumpay ang aming paglalakbay, tagumpay ang aking pakikipag-usap kay reyna Yon Sang Byeol na siyang tumatayong reyna at hari ng kaharian ng Byeol Yeosin." Ang sabi ni prinsipe Hwang at muli siyang humarap ng masaya sa mga ministro't opisyal, "Isang kasunduan na ang nabuo sa pagitan ng kaharian ng Byeol Yeosin at kaharian ng dinastiyang Lee." Ang masaya pang sabi ni prinsipe Hwang na siyang mas nagpasaya sa lahat ng naroon.
"Mahal na reyna isang napakagandang balita ang inyong mga sinabi, hindi nga nagkamali ang mahal na hari na ikaw po ay payagan sa iyong nais na pakikipag-usap sa reyna ng Byeol Yeosin." Ang sabi ni punong ministro Wo Shun Soo.
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...