Lumipas ang sampong taon ay wala nang muli pang nakakita kila prinsipe Hwang at Hyun, wala ring nakakaalam kung saan na nagtungo ang dalawa, ngunit may ilang nagsasabi na nanirahan at namuhay ng magkasama ang dalawa ng payak at masaya sa isang maliit na baryo sa gawing silangan, may ilan ding nagsasabi na may pagkakataong dumadalaw ang mga ito sa bayan ng kaharian ng Suzaku, dinastiyang Lee, Byeol Yeosin, at iba pang karatig kaharian.
Sa loob din ng sampung taon na iyon ay tuluyan nan gang nakabawi at nakabangon ang kaharian ng Suzaku, ipinasa ni reyna Yang Geum ang pamamahala bilang reyna ng Suzaku sa punong babaylan na si Lady Park Dal, at ang pamumuno sa templo ng palasyo ay pinasa naman ni Lady Park Dal kay Lady Nam Sam, habang sila Chun-Jun, kapitan San Jeonsa, at kapitan Geol Jeong ay naitalaga bilang mga bagong heneral ng kaharian ng Suzaku, naging punong doktor naman si doktor Baek at punong nars naman si nars Soo Mae, habang sila ginoong Han Zo, Lady Yuno, at Lady Bam Sam ay naitalaga sa mataas na posisyon bilang mga punong tagapaglingkod, sila doktor So at Lady Shang naman ay pinatawad sa kanilang naging kasalanan at binigyan ng ikalawang pagkakataon upang magbago ngunit bilang pangkaraniwang mamamayan na lamang, sinamsam din ang lahat ng yaman ng angkan nila punong ministro Kim at ng mga kapanalig nitong ministro. Sa magkakahiwalay namang taon, ay namatay sa malubhang karamdaman sila ministro Min, ministro Choi, at ministro Tang na napatawan ng habang buhay na pagkakakulong.
Sa loob din ng sampung taong iyon ay hinirang na bagong reyna ng kaharian ng dinastiyang Lee si Lady Chil Yon Yi, na siya ding minahal ng lubos ni haring Lee Shin at nagmahal din ng lubos sa hari, biniyayaan sila ng isang malusog na panganay na lalaki na pinangalanan nilang Hwang Hyun na kanilang kinuha sa pinagsamang pangalan nila prinsipe Hwang at Hyun.
Naging bagong hari naman ng kaharian ng Byeol Yeosin si Il ng makipag-isang dibdib it okay reyna Yon Sang Byeol, kaya naman ang samahan ng tubig ahas ay naging ganap ng legal na samahan na siyang magmamatyag sa mga anomalya sa loob ng kaharian na hindi naman tinutulan bagkus ay sinoportahan pa ng mga ministro at opisyal ng kaharian.
Nanatiling hari naman ng Yongjayu at Mulimja si haring Taeyang Baeggeum, at siya ding nakipagkasundo ng alyansa sa kaharian ng Suzaku na siyang mas nagpabilis sa pagbangon nito, at sa tuwing sasapit ang panahon ng taglamig at kaarawan ni prinsipe Hwang at prinsesa Bong ay nagkakaisa ang lahat ng kaharian, nagsisindi ang bawat kaharian ng mga pailaw na kanila ding pinapawalan upang lumutang patungo sa kalangitan, tanda ng kanilang pag-alaala sa nagawa ni prinsipe Hwang na nagsilbing ehemplo at magandang halimbawa ng mabuting pamumuno, siyang nagpakita na ang pagmamahal ay wala sa estado ng pamumuhay, siya ding nagpakita na ang taong may mabubuting puso ang mas kinalulugdan ng langit, pinakita niya hindi natin mahuhusgahan ang pag-ibig o isang tao nang base lamang sa paniniwala at tradisyon, na minsan ay mga pagkakataong kailangan nating kumalas sa mga paniniwalang ito upang makita natin ang kabutihan at kagandahan ng isang bagay, itinuro din nila na ang malinis na puso at kaisipan ay mahalaga sa isang pamumuno, na sa isang pamumuno mas mahalaga ang pinamumunuan kaysa sa sariling kapakanan.
Isang umaga ay dumalaw si haring Taeyang Baeggeum sa puntod ng kanyang mahal na asawa, at nagulat siya nang makita niya na sa puntod ng kanyang asawa ay isang bugkos ng bulaklak ng galanthus at prutas ang nakalagay, nang makita iyon ng hari ay gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi, at tumingin siya maaliwalas na kalangitan, at ibinulong ang kanyang pasasalamat sa dalawang tao na ni minsan ay hindi nagpagapi sa pagsubok at nanatiling malinis ang puso.
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...