KABANATA XLI: Ang Pagbangon

3.4K 147 7
                                    


Ligtas at maayos na nakarating sila Hyun sa kaharian ng Byeol Yeosin, sa kanilang pagdating roon ay sinalubong sila ng ama niyang hari na si haring Taeyang Baeggeum, mahal na reyna Yon Sang Byeol, Lady Park Dal at nang iba pa nilang kapanalig. Nang mabalitaan din ni reyna Yang Geum ang tungkol sa pagbabalik nila Hyun ay masaya niyang sinalubong ang mga ito at bagama't nagdadalamhati pa dahil sa pagkawala ng kanyang mahal na hari ay tila napawi naman ang kanyang kalungkutan nang kanyang makita ang mahal niyang anak na prinsipe na karga ni Hyun noong mga sandaling iyon, tulad ng mga sumalubong sa kanila ay masaya din ang pangkat nila Chun-Jun nang makitang buhay ang dating heneral ng palasyo ng Suzaku na ama ni Hyun, gayon din masaya silang makita ang mahal na reyna Yang Geum na nasa mabuti pa ding kalagayan, at ang mga kasamahan nilang tapat na naglilingkod sa kaharian.


"Kamusta ang kalagayan ng aking mahal na anak?" ang tanong ni reyna Yang Geum habang hinahaplos ang noo ni prinsipe Hwang na karga pa din ni Hyun.


"Maayos naman siya mahal na reyna, wala po tayong dapat na ipag-alala, mahimbing lamang siyang natutulog dahil sa pampatulog na ininom ng mahal na prinsipe." Ang sabi naman ni Hyun bilang tugon sa mahal na reyna Yang Geum.


"Pampatulog? Kung ganoon hindi talaga lason ang ipinainom kay prinsipe Hwang noong isinasagawa ang hatol sa kanya?" ang sabad ni Chun-Jun dahil magpahanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa din silang alam sa mga nangyayari.


"Ganoon na nga Chun-Jun, bago pa man dumating ang araw na ito ay nagtungo sa kahariang rito si ginoong Shen, ang tapat na ginoong tagapaglingkod ni haring Lee Shin, nagtungo siya rito upang hingin ang tulong ng kaharian ng Byeol Yeosin upang matulungan siya na mailigtas sa panganib ang mahal na prinsipe, at nagkataon na narito din ako kaya naman mas naging ayon sa plano ang lahat, pagpasensiyahan mo na rin pala kung hindi na ako nakagawa ng liham noong dumating ako dito, masiyado kasing naging mabilis ang lahat ng pangyayari kaya naman nakaligtaan ko na ang tungkol sa pagpapadala ng liham sa iyo." Ang sabi naman ni Hyun bilang sagot at pagpapaliwanag na din kay Chun-Jun.


"Pero paanong ang tibok at pulso ng mahal na prinsipe ay mawala noong mga sandaling nasa ininom niya ang lason na sinasabi niyong pampatulog?" ang pahabol na tanong nito.


"Simple lamang iyon, may isang espesyal na gamot na kayang pahintuin ng sandali ang tibok ng puso at pulso ng sino mang iinom nito at tulad din ng isang pampatulog ang epekto nito kaya naman sa oras na mawalan na ng mala yang iinom nito ay sa una ay aakalain na ng mga sususri dito na patay na nga ito." Ang sabi ni Hyun bilang pagtugon muli.


"Ah ganoon pala ang nangyari." Ang tanging nasabi na lamang ni Chun-Jun nang maunawaan na niya ang lahat.


"Kung hindi mo mamasamain, Hyun maaari bang ikaw na ang maghatid at magbantay sa aking mahal na anak habang kami naman ay magtitipon na sa bulwagan ng hari upang mailatag na sa mga bago nating dating na mga kapanalig an gating mga magiging plano laban sa mga ganid ng ating kaharian." Ang sabi ni reyna Yang Geum bilang pakiusap kay Hyun.


"Isang malaking karangalan na ako muli ang mangalaga sa inyong mahal na anak mahal na reyna Yang Geum." Ang sabi ni Hyun bilang magalak na pagtugon sa pakiusap ng mahal na reyna Yang Geum.


"Ngunit mahal na reyna Yang Geum ayos na ba ang inyong pakiramdam?" ang sabad naman ni haring Taeyang Baeggeum bilang pag-usisa sa kalagayan ng pakiramdam ng mahal na reyna Yang Geum.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon