KABANATA XXVI: Ang Pagpepresinta ng Reyna

3.5K 148 16
                                    


Kinabukasan matapos ang araw ng pagpili sa mga babae ay agad na ipinadala ang liham sa mga kaharian na kapanalig ng dinastiya ang naging resulta ng pagpili, at noong araw ding iyon ay tinungo ng mga napiling babae ng hari ang tahananan ng reyna, noong mga sandaling iyon ay naroon si prinsipe Hwang sa hardin ng tahanan ng reyna, noong mga oras na iyon ay nagpapahangin siya at pinagmamasdan ang luntiang hardin at maaliwalas na kalangitan.


"Isang magandang araw mahal na reyna!" ang bungad na pagbati ng mga kababaihan, at yumuko sila upang magbigay galang at pagpupugay kay prinsipe Hwang.


"Magandang araw din sa inyo, ano ang dahilan at naparito kayo sa aking tahanan?" ang tanong ni prinsipe Hwang.


"Inyo sanang ipagpaumanhin mahal na reyna kung amin kayong naistorbo ngunit nais sana namin kayong imbitahan na magtsaa kasama kami." Ang sabi ni Lady Suk Kwon Choi na siyang napili bilang unang babae ng hari.


"Uminom ng tsaa?" ang paglilinaw na tanong ni prinsipe Hwang.


"Ganoon na nga po kamahalan, nais sana naming makasama kayo at kung inyong pahihintulutan ay makakwentuhan, dahil kahapon ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makausap kayo, at nalaman namin na kaya di ka na nakabalik kahapon sa bulwagan dahil sinamaan po kayo ng pakiramdam." Ang sabi naman ni Lady Kim Eun Ro, ang pamangkin ni punong ministro Kim at ang napiling ikalwang babae ng hari.


"Ipagpaumanhin ninyo sana ang aking pagkawala sa salu-salo kahapon, hindi ko na talaga kasi kinaya ang sama ng aking pakiramdam at bukod doon ay ayoko din kasi na masira ang kasiyahan dahil doon." Ang sabi ni prinsipe Hwang bilang tugon.


"Nauunawaan namin kamahalan huwag po kayong mag-alala pa tungkol sa bagay na iyan." Ang sabi ni Lady Suk Kwon Choi bilang tugon.


"Ah kamahalan." Ang nahihiyang sabi ni Lady Chil Yon Yi at napukaw naman ng mahiyaing binibini si prinsipe Hwang.


"Ano iyon Lady Chil Yon Yi? Mayroon ka bang nais na sabihin?" ang tanong ni prinsipe Hwang sa ikatlong babae ng hari.


"Ah kasi kamahalan..." ang hindi maituloy na sabi ni Lady Chil Yon Yi dahil sa hiya at kaba.


"Lady Chil Yon Yi? Ano ang iyong nais na sabihin huwag kang mahiya, ano ang iyong nais na sabihin Lady Chil Yon Yi?" ang sabi ni prinsipe Hwang bilang pagpilit kay Lady Chil Yon Yi na sabihin nito ang nais na sabihin sa kanya.


"Mahal na reyna nais ko po lamang na ibigay ito sa inyo." Ang sabi ni Lady Chil Yon Yi at nagtinginan sa kanya ang mga kasamang kababaihan, ngunit di na iyon pinansin ni Lady Chil Yon Yi at iniabot nito kay prinsipe Hwang ang isang maliit na bilog na kahoy na mayroon kalapay at sa sentro nito ay mayroong disenyo ng lotus na napinalilibutan ng disenyo na tila mga maliliit na bulaklak.


"Ano ito Lady Chil Yon Yi?" ang tanong ni prinsipe Hwang sa binibini.


"Kamahalan isa po iyang palamuti na nagmula sa aming kaharian, pinaniniwalaan po sa aming kaharian na ang palamuting iyan ay mag-iiwas sa iyo mahal na reyna sa ano mang karamdaman at maging sa kalungkutan." Ang sabi ni Lady Chil Yon Yi, at ngumiti si prinsipe Hwang kay Lady Chil Yon Yi at di na din naiwasan na mapangiti ng binibini nang makita nito ang pagngiti sa kanya ni prinsipe Hwang.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon