KABANATA X: Ang Pulbos ng Kamatayan

5.4K 207 13
                                    


Isang buwan at mahigit na lamang ang nalalabi bago sumapit ang nalalapit na ika-labing walong kaarawan nila prinsipe Hwang at prinsesa Bong, kung saan ang kaarawan ding iyon ang magiging hudyat ng paghahanda para sa nakatakda nang pag-iisang dibdib nila prinsesa Bong at prinsipe Lee Shin ng dinastiyang Lee.


Panahon na iyon kung saan nag-aagaw na ang panahon ng taglagas at taglamig, sa loob ng tanggapan ng mga ministro ay nagtipon-tipon doon sila ministro Choi, ministro Min, ministro Ma, at ministro Tang, at ilang sandali pa ay dumating si punong ministro Kim kasama ang isang doktor ng palasyo.


"Punong ministro Kim." Ang bungad na sabi ni ministro Min at pagkatapos ay sabay-sabay na tumayo ang apat na ministro sa kanilang kinauupuan at yumuko sila bilang paggalang sa dumating na punong ministro.


"Sige na magsiupo na kayo, doktor So, maupo ka na rin." Ang sabi ni ministro Kim at naupo siya kasabay ng apat na ministro at ng doktor na kasama nitong dumating.


"Punong ministro Kim, ano ang dahilan at isinama niyo dito si doktor So?" ang agad na tanong ni ministro Tang.


"Huwag kayong mangamba mga ministro sa aking pagparito, narito ako bilang kakampi ninyo, handa ako na tumulong sa inyo." Ang sabi naman ni doktor So at yumuko ito upang magbigay ng paggalang sa mga ministro at mapakita sa mga ito na tapat siya sa kanyang sinasabi.


"Punong ministro?" ang sabi ni minsitro Ma na hinihintay ang pagtugon ng punong ministro.


"Paniwalaan niyo si doktor So dahil sa totoo ang kanyang sinasabi, siya ay ating kapanalig." Ang sabi ni punong ministro Kim at ngumiti ito, ang ngiti niya na tanging pagkaganid at pagkatuso ang pinapakita, noong mga sandaling iyon ay nagkatinginan lamang ang apat na ministro tila di pa din nila maisip kung ano ba ang tumatakbo sa isip ng punong ministro.


"Ngunit punong ministro paano ka nakakasiguro na ito ngang doktor na nasa harapan natin ay mapagkakatiwalaan?" ang tanong naman ni ministro Min na tila nagdududa pa din kay doktor So kahit na sinabi na ni punong ministro Kim na pagkatiwalaan nila ito.


"Itinataya ko mga ministro ang aking buhay para sa inyo, kaya maaari niyo akong kitilin sa oras na ako ay magtaksil sa inyo." Ang agarang sabi ni doktor So na hindi na hinitay pa na ipagtanggol siya ng punong ministro, "at bukod doon ay tulad niyo nagnanais din ako ng kapangyarihan, ang hiling ko lamang sa ating mahal na punong ministro ay sa oras na mapagbagsak na natin ang maharlikang pamilya ay magkaroon ako ng mas mataas na posisyon." Ang dagdag na sabi ni doktor So.


"Sa tingin ko ay hindi natin dapat pagdudahan si doktor So, hindi naman siya dadalhin dito ni punong ministro Kim kung wala siya talagang maitutulong sa atin, at bukod doon ay mas mainam kung hindi lamang tayo ang kikilos." Ang sabi naman ni ministro Choi na tila tanging siya lamang ang naniniwala sa doktor.


"Tsk, tsk, tsk, hindi ko inaasahan na mabagal pala mag-isip ang mga ministro na kapanalig ko, kung hindi niyo magawang maunawaan ang aking dahilan ay magkita-kita tayo sa aking tahanan mamayang gabi, dinala ko lamang siya dito upang personal niyong makilala an gating bagong kapanalig." Ang sabi ni punong ministro Kim na hindi natitinag sa paniniwalang makakatulong ang doktor sa kanila.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon