Noong gabing ding iyon ay dumating sa kaharian ng Suzaku ang maharlikang pamilya ng Disnatiyang Lee na sina haring Lee Yuan at reyna Lee Hanna, kasama rin nila ang kanilang anak na itinakdang prinsipe ng dinastiya na si prinsipe Lee Shin, kasama ang kanilang ilang tagapaglingkod at kawal.
Malugod silang sinalubong ng buong kaharian noong gabing iyon, nagkaroon ng isang malaking piging at kasiyahan bilang handog sa nakatataas na maharlikang pamilya at kaharian na sa kaharian ng Suzaku ay bumisita, naging masigla ang gabing iyon, ang mga hari't reyna ay sadyang nagkakasundo sa kanilang usapan, maging ang iba pang panauhin noong gabing iyon.
"Ginoong Shen, akala ko ba ay naparito tayo para sa kaarawan ng prinsesa ng kahariang ito na kasing edad ko lamang halos, ngunit bakit parang wala akong makita ni isang bata sa mga panauhin na naririto?" ang tanong ng itinakdang prinsipe Lee Shin sa ginoong nakatayo sa kanyang likuran habang nakaupo sa harap ng hapag at pinanonood ang mga mananayaw ng kaharian, banaag ang pagkabagot ng itinakdang prinsipe sa kanyang mukha, kaya may pagkakataong napapabuntong hininga na lamang ito.
"Kamahalan totoo po ang inyong itinuran, ngunit kasalukuyan na po kasing nagpapahinga ang prinsesa ng kahariang ito, at naipagbigay alam na po ito sa inyong amang hari, at bukas pa naman po ang kaarawan ng prinsesa, ang salu-salong ito ay ginawa lamang para sa ating pagdating inyong kamahalan." Ang sabi ni ginoong Shen.
"Ganoon ba, nasasabik lamang ako na makakilala ng kasing edad ko dahil sa palasyo ay halos wala akong makausap na bata na katulad ko." Ang sabi ni prinsipe Lee Shin.
"Nauunawaan kop o ang iyong pakiramdam kamahalan." Ang tanging nasabi ni ginoong Shen.
Lumipas ang oras sa gabing iyon at natapos ang salu-salo, inihatid ng hari't reyna ng kaharian ng Suzaku kasama ang kanilang mga tagapaglingkod ang maharlikang pamilya ng Dinastiyang Lee sa kanilang tutuluyan na tahanan sa palasyo upang ganap na itong makapagpahinga sa gabing iyon.
Kinabukasan, ang araw ng kaarawan nila prinsesa Bong at prinsipe Hwang, ang araw na ipagdaraos ng kaharian ang kaarawan ng prinsesa, naging payapa at maaliwalas ang umagang iyon sa lihim na hardin kung saan itinatago si prinsipe Hwang, ngunit sa palasyo ay isa iyong naging abalang araw para sa lahat dahil sa paghahanda para sa idaraos na kasiyahan.
Noong umaga ding iyon ay nagising na lamang si prinsipe Hwang na wala ang punong babaylang si Lady Shin Bae sa kanyang tabi, hinanap niya ito sa iba pang silid sa tinutulyan nilang bahay pahingahan sa hardin na iyon ngunit hindi na niya ito nakita, lumabas siya hardin na binabalot ng niyebe ang buong paligid, inikot niya ang malaking hardin na iyon ngunit wala din roon ang punong babaylan, bahagyang nakaramdam ng kalungkutan ang prinsipe dahil naramdaman niya ang pag-iisa sa araw na iyon, sa araw ng kanyang kaarawan, bumalik ang prinsipe sa kanyang silid at naupo lamang sa tabi ng bintana kung saan tanaw niya ang noo'y maaliwalas na asul na kalangitan at ang malaking bakod na pader sa harding kanyang kinalalagyan.
"Ito pala ang pakiramdam ng nag-iisa sa araw na dapat ay nagsasaya ka, nakakalungkot, nakamamatay..." ang sabi ni prinsipe Hwang habang nakatingin siya sa langit, matagaltagal din siyang ganoon hanggang sa maisipan niyang tumayo at lumabas muli.
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...